Mga preso nagboluntaryong tumulong sa demolisyon ng mga kubol sa Bilibid

  • Demolisyon ng mga ilegal na istruktura sa Bilibid nagpapatuloy
  • Ilang inmates ang nagboluntaryo na gibain ang kanilang mga kubol
  • Aabot sa 3,700 inmates ang naapektuhan ng demolisyon

Sa pagpapatuloy sa isinasagawang demolisyon ng mga ilegal na istruktura sa  loob ng New Bilibid Prison (NBP), ilang mga preso ang nagboluntaryo na tumulong sa paggiba ng mga kubol.

Imahe mula sa BuCor

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Wena Fe Dalagan na ang mga persons deprived of liberty o preso sa Quadrant II ng maximum security compound sa Bilibid ay nagboluntaryo na gibain ang kanilang mga kubol.

Pinangunahan ni BuCor Director General Gerald Banta, katuwang si outgoing National Capital Region Police Office Chief Major General Eleazar Guillermo, ang demolisyon na sinimulan noong ika-9 ng Oktubre.

Mahigit 1,800 na personnel mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, PDEA, Department of Public Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority ang nagsasagawa ng demolisyon.

Ayon kay Bantag, layon ng isinasagawang demolisyon ng mga kubol na sawatahin ang mga ilegal na aktibidad ng mga inmates na sa loob ng mga nasabing istruktura ginagawa.

Noong ikalawang araw, isang pagsab0g ang naganap sa quadrant IV ng Bilibid. Hindi naman nagpatinag ang team na ipagpatuloy ang ginagawa.

Imahe mula sa BuCor

“Hindi tayo magpapatinag sa pagsab0g na nangyari dun and we will continue clearing the area so that proper rules and regulations will be done by authorities there,” mariing pahayag ni Eleazar.

Ayon sa spokesman ng NBP na si Albert Tapiru nasa 3,700 preso ang apektado ng demolisyon ng mga kubol.

Ililipat umano ang mga apektadong inmate sa mga tents na ibibigay ni Senator Richard Gordon. At kung sakaling walang tents na dumating ay pagkakasyahin na lang daw ang lahat ng mga inmates sa mga gusali ng maximum security compound.