LRT-2 magdadagdag ng istasyon sa Tutuban, Divisoria at Pier 4

  • LRTA sisimulan na ang LRT-2 West Extension Project
  • Mula sa Recto station ay madadagdag ang tatlong istasyon – ang Tutuban, Divisoria at Pier 4 stations
  • Target na matapos ang proyekto sa taong 2023

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madadagdagan ng tatlo pang istasyon ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) system sa pamamagitan ng P10.1-billion Line 2 West Extension Project. Ang mga bagong istasyon ay ipupuwesto sa Tutuban, Divisoria at sa Pier 4.

Imahe mula sa LRTA

“Mas magiging madali na ang biyahe ng mga gustong pumunta para mamili sa Tutuban at Divisoria, o mga sasakay sa barko sa Pier 4 ng North Harbor,” sabi ni Reynaldo Berroya, ang LRTA Administrator.

Sa kasalukuyan, ang linya ng LRT-2 ay nagsisimula sa Santolan sa Marikina hanggang sa Recto Avenue sa Maynila. Mula sa Recto station ay aabutin lang ng hanggang limang minuto ang biyahe patungo sa pinaplanong Pier 4 station.

Ang kasalukuyang ginagawang LRT-2 East Extension project na inaasahang matatapos sa last quarter ng taong 2020, madagdagdagan naman ang LRT-2 ng dalawang istasyon – ang Emerald station sa Marikina at ang Masinag station sa Antipolo.

Sinabi ng LRTA na kapag natapos na ang dalawang extension projects ng LRT-2, ang biyahe mula sa Masinag station hanggang sa Pier 4 station ay hindi aabot ng isang oras. Inaasahan din na madaragdagan ng mahigit 16,000 commuters ang mapagsisilbihan nito mula sa dating 240,000 passengers kada araw.

Imahe mula sa LRTA

“The increase in commuters who will benefit from the extension project translates to the reduction of commuters not using Metro Manila’s congested streets,” pahayag ni Berroya.

Target ng LRTA na matapos ang west extension project sa taong 2023.

Source :

ABS-CBN, Remate