Employer, inireklamo sa pasuweldo na puro baryang tigpipiso at beinte-singko sentimos

  • Isang employer ang inirereklamo dahil sa pagpapasahod umano ng puro coins
  • Ang suweldo ay halagang P6,337 na puro coins na piso at beinte singko sentimos
  • Batay sa isang BSP Circular, hindi tama ang ginawa ng employer

Idinaan sa social media ng isang netizen ang reklamo laban sa isang employer na nagpasahod ng puro barya sa dalawa niyang empleyado.

Imahe mula sa Facebook account ni Sharon Tinio Ruivivar

Batay  sa Facebook post ng isang netizen na may username na Sharon Tinio Ruivivar, ang ipinasuweldo ng employer na pinangalanan niyang AJ Perez ay pawang mga coins na piso at beinte-singko sentimos na may kabuuang P6,337.

Sa halip daw na sa pag-uwi ay agad na makabili ng gatas ng mga anak ay nahirapan pang magbilang ng mga barya ang dalawang empleyado, na batay sa payslip ay nakilalang sina Arjay Ruvivar at Mark Anthony Ruvivar.

Nagawa namang magpasalamat ni Ruivivar sa employer dahil nasa minimum wage naman ang pasahod nito, pero hindi pa rin daw tama ang ginawang pagpapasuweldo ng barya. Base sa screenshot ng payslip ng dalawang empleyado, ang daily rate nila ay P537.

Maraming social media ang bumatikos sa employer at isa sa kanila ang nagkomento na batay sa isang regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay hindi tama ang ginawa nitong pagbabayad ng napakaraming barya.

Imahe mula sa Facebook account ni Sharon Tinio Ruivivar

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Circular 537, Series of 2006, ang mga coins na may denomination na 1-piso, 5-piso, at 10-piso ay maaring ipambayad kung hindi lalabis sa P1,000 ang halaga. Samantang ang mga 1-sentimo, 5-sentimo, 10-sentimo at 25-sentimos ay maaaring ipambayad kung ang halaga ay hindi lalabis sa P100.

Imahe mula sa Seigniorage

Sa comment section ng post ni Ruivivar ay may buwelta naman ang employer na inirereklamo.

Aniya, tinanggal na raw sa kumpanya ang dalawang empleyado pero nagmakaawa lang ang mga ito na makabalik. Inakusahan pa niya ang dalawa na ginagamit pa ang batas upang makapanghuth0t ng pera sa isang baguhang kumpanya.

Source :

Facebook