Daan-daang barangay captains hindi nakasunod sa order na tanggalin ang mga road obstructions

  • Maraming local officials sa Metro Manila ang hindi nakasunod sa utos ni Pangulong Duterte na tanggalin ang mga road obstructions
  • Ang mga opisyal na hindi nakasunod sa utos ay pagpapaliwanagin sa loob ng 72 hours kung bakit hindi naka-comply sa clearing ng mga sagabal sa bangketa at kalsada
  • Sa Lungsod ng Maynila, 400 barangay captains ang hindi sumunod sa pagtanggal ng road obstructions

Napakaraming barangay captains sa Metro Manila ang iisyuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng show cause order dahil sa hindi pagsunod sa 60-day deadline upang alisin ang mga obstructions sa mga bangketa at kalsada.

Imahe mula sa DILG

Sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na sa Lungsod ng Maynila pa lang ay may 400 barangay captains ang bigo sa pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa mga tao ang lansangan.

Matatandaang noong ginawa niya ang 4th state of the nation address noong July ay inatasan ni Pangulong Duterte ang mga local government units (LGUs) sa buong bansa na alisin ang mga illegal structures sa mga bangketa at kalsada.

“They were given 60 days and they did not comply,” ani Usec. Diño sa isang press briefing.

Matapos ang deadline na itinakda ng Pangulo ay naglibot ang mga task force ng DILG upang alamin kung nasunod ang pag-aalis ng mga road obstructions.

Ayon kay Usec. Diño, sa Maynila pa lang ay may 400 barangay captains na ang maiisyuhan ng show cause order upang ipaliwanag sa DILG sa loob ng 72 hours kung bakit hindi sila naka-comply sa kautusan.

Screenshot mula sa video ng GMA

Posibleng patawan ng parusang suspensyon ang mga opisyal ng mga LGUs na mapatutunayang nagpabaya sa kanilang mga tungkulin

Bukod sa mga barangay captains, sinabi ni Usec. Diño na isusumite ng DILG ang listahan ng mga city at town mayors na bigong makasunod sa clearing ng road obstructions sa kani-kanilang area of responsibilities.

Sa susunod na linggo ay ilalabas ng DILG ang resulta ng assessment ng ahensya hinggil sa compliance ng mga local officials.

Imahe mula sa Taguig City PIO