“Commute challenge” sa public officials hindi sagot sa problema sa trapiko – DOJ Sec. Guevarra

  • Commute challenge hindi sagot sa problema sa trapiko, ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra
  • Sinabi ni Sec. Guevarra na bago pa siya naging public official ay alam na niya ang problema sa trapiko
  • Ang hamon ay makadaragdag lang sa commute problem

Tinanggihan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang “commute challenge” na nagsasabing dapat obligahin ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na sumakay sa public transportation isang beses kada linggo para maranasan nila ang hirap na pinagdaraanan ng mga commuters.

Imahe mula sa PNA

Anang Justice Secretary, alam niya ang hirap na dinaranas ng mga commuters sa araw-araw subalit makadaragdag lang sa “commute problem” ang nasabing hamon.

“You need not be on the moon to know that there is a moon,” patalinghagang sagot ng kalihim matapos tanungin kung bukas ba siya sa commute challenge katulad ng ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Aniya, bago pa man siya naging isang public official ay alam na niya na mahirap ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.

“Sanay ako sa hirap ng daily commute to and from Bulacan. I had no first-owned car till I became a lawyer, and had no driver till I got to Malacañang. I know how hard it is out there,” sabi ni Sec. Guevarra.

“In 2015, one-way trip from NLEX (North Luzon Expressway) to Ortigas Center took me at least 2 hours. I just want to say that you need not be on the moon to know that there is a moon. Such a challenge will only add to the commute problem. No value added,” dagdag pa ng kalihim.

Iba naman ang reaksyon ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Jr. sa commute challenge.

Screenshot ng tweet ni DFA Sec. Teddy Locsin, Jr.

“Great idea provided all congressmen, ex-GMA (Gloria Macapagal Arroyo) and PNoy (President Noy Aquino) officials responsible for traffic, leftists, critics of Duterte are made to join subject to arrest if they use cars,” post ni Locsin sa Twitter.

Sinabi pa ni Locsin na dapat din na pumirma ng kasulatan na nanunumpa ang mga binanggit niyang mga personalidad na hindi na nila kailanman babatikusin ang Duterte administration at mga susununod pang administrasyon.