AFP helicopter nagpaulan ng mga laruan at kendi para sa mga bata sa Basilan

  • Dalawang Huey helicopters ng AFP nagpaulan ng saya sa Basilan
  • Nagpaulan ng mga laruan at kendi ang dalawang helicopter
  • Mahigit 5000 mga bata sa Basilan ang nabigyan ng saya ng outreach program ng AFP at Save the Children of War Foundation

Dalawang Huey helicopter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sumahimpapawid sa ibabaw ng Barangay Tuburan sa bayan ng Mohammad Adjul sa Basilan upang maghulog ng mga laruan at kendi para sa nasa mahigit limandaang mga bata.

Imahe mula sa Facebook page ng Six Arcen

Kilala ang Basilan bilang probinsya kung saan pinaniniwalaan na nagtatago ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf Group. Kapag naririnig ng mga residente ang tunog ng pag-ikot na elesi ng mga helicopter, iniisip nila na magdadala iyon ng destruksyon sa kanilang lugar dahil sa pagpapaulan ng mga armas na pandigma.

Nais baguhin ng AFP ang ganoong persepsyon kaya noong October 4, 2019 ay nagpalipad sila ng dalawang helicopter mula sa 206th Tactical Helicopter Squadron para magpaulan ng saya para sa mga bata at estudyante sa Barangay Tuburan.

Ayon sa 6th Air Reserve Center, dahil sa ginawang pagpapaulan ng mga laruan at kendi ay naging simbolo na ng “sweetness, comfort, tenderness at happiness” ang kanilang helicopters.

Ang mahigit 500 na mga batang nabigyan ng saya noong araw na iyon ay mga anak ng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front at ng mga sumukong Abu Sayyaf.

Imahe mula sa Facebook page ng Six Arcen

Sa isang pahayag naman ng Western Mindanao Command, sinabi nito na layunin ng ginawang “helicopter drop” na makatulong sa mga bata upang maka-recover mula sa kanilang mga traumatic experiences sa nangyayaring bakbakan sa pagitan ng pamahalaan at kaaway nito.

Bukod sa pagpapaulan ng mga laruan at kendi, nagsagawa pa ng gift-giving activity ang AFP sa tulong ng Save the Children of War Foundation na itinatag ni Dr. Arlyn Jawad-Jumao-as.

Ipinagpalit ng mga bata ang kanilang mga baril-barilan para sa mga bagong stuffed toys, bisikleta, kendi at mga school supplies.

Imahe mula sa Facebook page ng Six Arcen