‘Why we should never break up’: Lalaki, gumawa ng PowerPoint para sa GF

  • Gumawa ng PowerPoint presentation ang isang lalaki para sa minamahal niyang kasintahan
  • Sa kanyang presentation, inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit hindi na sila dapat maghiwalay kailanman
  • As of posting, ang tweet ng babae tungkol sa surpresang ito ay mayroon nang mahigit 31,000 favorites

Isang espesyal na PowerPoint presentation ang ginawa ng isang lalaki para kanyang minamahal na kasintahan; isang presentation kung saan inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit hindi na sila dapat maghiwalay.

Image via @callmetimang | Twitter

Sa Twitter, ibinahagi ng girlfriend ni Mark Jasper Figueroa ang ilang screenshots mula sa surpresa niya rito. Marami ang kinilig at natuwa sa effort niya para iparamdam sa kasintahan ang pagmamahal niya.

“My boyfriend made a powerpoint on why we should never break up hahahaha,” saad ni “Anne” (@callmetimang) sa caption ng mga screenshot ng PowerPoint presentation na ini-upload niya.

Kabilang sa mga bahagi ng presentation ni Mark ang pros and cons ng pananatili nito bilang girlfriend niya, ang magkasama nilang pagdiriwang ng kaarawan ng isa’t isa, pati na ang pinagbago ng mga Instagram stories niya nang dumating sa buhay niya si Anne.

Sa isang slide, sinabi rin ni Mark na, “What I’m trying to say is that it’s been five months and you still give me butterflies. Nakita ko na itsura mo sa kahit anong paraan and still, para sa akin, ikaw pa rin ang pinakamaganda.”

Kinilig ang marami sa presentation. As of posting, mahigit 31,000 na ang favorites sa tweet ni Anne at bumuhos rin ang reaksyon sa nakakikilig na ginawa ng kanyang boyfriend.

Gayunman, tiniyak ni Anne sa isang reply na hindi rin perpekto ang lahat sa kanila. Aniya, “We’re not at all healthy. Haha! Kagagaling lang namin sa away.It’s always important how you bounce back, together.”

I-click ang imahe para ma-view ang mga screenshot.
Source :

Twitter