Manny Pacquiao niregaluhan ng magarang red Corvette Stingray sports car si Jimuel

  • Jimuel Pacquiao niregaluhan ng ama ng mamahaling kotse
  • Isang kulay pulang Corvette Stingray ang regalo ni Pacman sa panganay na anak
  • Ayon sa isang website, nagkakahalaga ng P8,546,888 an gisang Corvette Stingray na may 3L package

Ipinasilip ni Jimuel Pacquiao sa isang video ang napakagara at mamahaling kotse na regalo sa kanya ng amang si Manny Pacquiao.

Screenshot mula sa video ng Team Sisson

Sa YouTube channel ng Team Sisson, makikita ang panganay na anak ni Pacman na excited na subukan ang kulay pulang Corvette Stingray na gawa ng Chevrolet.

Ang video ay pinamagatang “Pacquiao Buys Son His First Car.”

Sa video ay makikita ang isang banyagang lalaki na matatas magsalita ng mga local dialects na siyang kumukuha ng video para ipakita si Jimuel na susubok sa bago niyang kotse.

“Good morning everybody. Maayong buntag. Magandang umaga. This is Jimuel. He’s gonna give us a little look into his brand new car. Let’s go see him,” anang lalaki.

“First car mo ‘to? What do you think about it? Pwede na?” tanong kay Jimuel ng lalaking kumukuha ng video.

“First car. Nice. Ok for a new, first car,” sagot ni Jimuel sa mga tanong sa kanya.

Ipinakita pa sa video ang pag-drive test sa kotse ng nakababatang Pacquiao sa loob ng kanilang subdivision.

Screenshot mula sa video ng Team Sisson

Maririnig sa video ang sinabi ni Jimuel na gagamitin niya ang Corvette Stingray sa pagpunta niya sa gym para sa kanyang boxing training.

Ang Corvette Stingray ay inilunsad sa bansa noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ayon sa TopGear Philippines, ang Corvette Stingray na may 3LT package ay nagkakahalaga ng P8,546,888.

Screenshot mula sa video ng Team Sisson

Maraming social media users ang pumuri sa magandang kotse ni Jimuel. Sinabi pa nila na masuwerte ang magkakapatid dahil mayroon silang mga magulang na mababait na sina Manny at Jinkee.

Source :

YouTube