Dagdag-singil sa ATM transaction aprubado ng BSP, ipatutupad na sa Oktubre

  • Dagdag sa ATM transaction fee ipatutupad na sa Oktubre
  • Hindi naman kalakihan ang itataas sa singil
  • May ilang bangko naman na nais magbaba ng ATM fee

Simula sa susunod na buwan ng Oktubre ay ipatutupad na ng ilang mga bangko ang dagdag-singil sa bawat transaksyon gamit ang automated teller machine (ATM).

Imahe mula sa Tough Nickel

Hindi bababa sa limang bangko ang binigyan na ng go signal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makapagtaas ng singil sa paggamit ng ATM, ayon sa isang opisyal ng BSP.

Maaaring ipatupad na sa darating na Oktubre ang adjusted ATM transaction fee.

Sa isang panayam ay isiniwalat BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier na inaprubahan na ng Central Bank ang aplikasyon ng ilang bangko ukol sa pagdagdag pati na rin ang pagbawas sa ATM transaction fees.

“I think meron nang mga na-approve. Meron din magde-decrease. Ano pa lang, very few. I think less than ten. If I’m not mistaken, mga total I think five. Napakakonti pa lang so far,” ani Fonacier sa mga reporter sa isang business summit na isinagawa sa Taguig City.

Tumanggi si Fonacier na pangalanan ang mga bangkong nabigyan ng approval para magtaas ng ATM fee. Required umano ang mga ito na maglabas ng public advisory bago ipatupad ang adjustment.

Imahe mula sa DBP

Hindi naman daw kalakihan ang dagdag-bayad na ipatutupad ng mga bangko.

“Some of those na mga na-approve naman, very small amount. Ang range lang naman so far that I can remember is mga up to P3,” aniya.

May ilang bangko naman na nagsabi na nais nilang ibaba sa P10 hanggang P9 ang transaction fee sa ATM mula sa dating P11 hanggang P15 per transaction.

‘Yun nga maganda sa tech, pagbi-bring down ng cost of transaction. Range is P11 to P15, something like that. May mga nagpo-propose ng P10 or P9 even, so may reduction. Very few pa lang,” sabi pa BSP official.

Bago ipatupad ang adjustment ng ATM fee ay magbibigay ng anunsyo ang mga bangko sa kani-kanilang official website.