Silipin: PBB-inspired house ni Robi, may storage room at confession room

  • Inspired ng Pinoy Big Brother ang ilang bahagi ng bahay ng dating housemate na si Robi Domingo
  • Mayroong storage room at confession room ang bahay ni Robi at ng pamilya niya
  • Si Robi ay itinanghal na first runner-up sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” noong 2008

Hindi malaking bahay na kulay dilaw, malayong-malayo sa “Bahay ni Kuya” kung titingnan mula sa labas, pero kapag pumasok ka sa bahay ng dating housemate na si Robi Domingo ay tiyak na maiisip mo kaagad ang Pinoy Big Brother (PBB) house dahil sa dalawang bahagi nito: ang storage room at ang confession room.

Image capture via YouTube

Sa kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Robi ang PBB-inspired house nila ng kanyang pamilya. Inspired ito sa mga interes nilang mag-anak; katulad na lamang ng pagiging “one with nature” nito dahil ito ang hilig ng kanyang mga magulang, at gaya rin ng pagkakaroon nila ng PBB-inspired areas.

“Dito ako tumira right after PBB, 11 years ago. Hindi ko ‘to sariling bahay, bahay ito ng mga magulang ko,” wika ng aktor na itinanghal na first runner-up sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” noong 2008.

“This house, medyo PBB-inspired kasi parang nakuha namin ‘yong ibang ideas from Big Brother. Pa’no? Ito ‘yong tinatawag namin na storage room. Very PBB. Ang laman nito, pagkain,” pagbabahagi pa niya.

Bukod sa storage room, “very PBB” rin ang tinatawag nilang confession room or prayer room.

“PBB-inspired kasi mayro’n kami ritong confession room or the prayer room. We got this custom-made cross coming from Bulacan. Doon kami galing,” kuwento niya. “And then, mga artifact, stuff na nakukuha namin all over the world.”

As of posting, nakakuha na ng halos one million views ang house tour vlog ng dating PBB housemate.

Image capture via YouTube

Halina’t silipin ang family home nina Robi Domingo:

Source :

YouTube