I-Tulfo na ‘yan! Raffy, inimbitahan sina Bea, Gerald, at Julia sa kanyang tanggapan

  • Inimbitahan ni Raffy Tulfo ang mga kontrobersyal na artistang sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto
  • Aniya, bukas ang kanilang tanggapan para tulungang magkaareglo ang tatlo
  • Kung may “Team Julia” at “Team Bea”, si Raffy raw ay nasa “Team Areglo”

Inimbitahan ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo ang mga kontrobersyal na artistang sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Image capture via Facebook

Sa Facebook page na Raffy Tulfo in Action, ibinahagi ang link ng video kung saan sinabi ni Raffy na bukas ang kanilang tanggapan para tulungang magkaayos ang mga celebrity na sangkot sa issue.

“Alam mo ‘yan, ang solusyon niyan, itong si Bea saka si Julia saka si Gerald, pumunta sa ‘Wanted sa Radyo’. Ayusin namin ‘yan. Lahat ng problema may solusyon,” wika ng batikang mamamahayag.

Kung may “Team Julia” at “Team Bea”, siya raw ay nasa “Team Areglo” para wala nang problema.

“Bukas ang tanggapan namin anytime para kay Gerald, Bea, at Julia. Monday to Friday. Punta kayo rito sa Aksyon Center. Libre pakape at saka biscuit habang kayo’y naghihintay diyan…ah, hindi, dahil ito’y mga celebrity, ice cream naman,” sabi ng “Wanted sa Radyo” host. “Para magkaayos-ayos.”

“Kasi kumakalat sa social media. Nagkakasiraan na kayo. Nagkakasakitan na. E ang gusto lang naman ng mga fans ninyo, tama ako — correct me if I’m wrong — na magkabalikan na kayo (Bea-Gerald)…. Team areglo. Pag-aregluhin natin. Tapos siguro, si Julia bigyan na lang natin ng bagong pag-asa kung sino ang dapat niyang maging boyfriend,” pagpapatuloy niya.

Pagkatapos ay natawa at sinabing, “Pati ako nadamay sa chismis.”

Image via Raffy Tulfo in Action | YouTube

Panoorin ang video kung saan inimbitahan ni Raffy ang tatlo:

Source :

Facebook, YouTube