PUP cat: Pusang sumakay sa likod ng isang estudyante, kinagiliwan

  • Kinagiliwan ng Facebook users ang pusa na biglaang sumakay sa likod ng isang mag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines
  • Sa FB group na Top Tier Pusa Posting, ibinahagi ng estudyanteng si Maria Alonte ang nakaaaliw niyang karanasan sa unibersidad
  • Aniya, nagtagal sa likod niya ang pusa at halos makatulog na ito roon

Paano kung bigla na lamang sumakay sa likod mo ang isang pusa at maging komportable ito doon?

Imahe mula kay Maria Alonte | Facebook

Sa Facebook group na Top Tier Pusa Posting, kinagiliwan ng maraming members ang pusa na sumakay sa likod ng isang mag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines.

“May pusang bigla na lang sumakay sa likod ko kanina sa PUP. Basta na lang siya sumakay sa likod ko habang naka-crouch ako kanina habang naghihintay ng mga kaklase,” pagbabahagi ng estudyanteng si Maria Alonte.

Aniya, nagtagal sa likod niya ang pusa at halos makatulog na ito roon.

“Ang tagal-tagal niya sa likod ko. Halos matulog na,” kuwento ng mag-aaral.

Natuwa ang marami sa post ni Alonte at nag-iwan ng komento sa kanyang ibinahagi. Wika nila, masuwerte siya at naging palagay ang loob sa kanya ng pusa.

“You’re the chosen one. Keep that cat and you’ll have a happy company for life,” ani Keith Argente Arvesu. [Ikaw ang pinili. Kupkupin mo ang pusang iyan at magkakaroon ka ng masayang kasama habambuhay.]

“I miss my alma mater. Anyway, ‘pag gan’yan, it means na napi-feel ng pusa na mabuti kang tao. Keep up loving the nature, and the nature will love you in return,” kumento ni Drakeyss Saur.

“Clingy ‘yan hahaha! Tambay lagi sa Freedom Park ta’s ‘pag close na kayo, susundan ka hahaha!” wika ni Remmie Montoya.

Imahe mula kay Maria Alonte | Facebook

Sabi ng matatanda, malakas daw ang pakiramdam ng mga aso at pusa pagdating sa pagkilatis sa mga tao. Nararamdaman nila kapag may hindi maganda sa kalooban ng tao. Marahil ay dama ng pusang ito na may busilak na kalooban ang estudyante kaya’t kanya itong nilapitan at sinakyan; pagkat batid nitong hindi siya sasaktan.

Hiling ng iba, sana maging sila man ay piliing sakyan o samahan din ng pusang ito na ‘pumapasok’ din pala sa nasabing unibersidad, ayon sa ilang nagkomento.

Source :

Facebook