Kaya mo ba ‘to? Teenager, naglalaro ng Rubik’s Cube gamit ang paa

  • Hindi karaniwan ang paraan ni Daniel Rose-Levine sa paglalaro ng Rubik’s Cube
  • Naglalaro ng Rubik’s Cube ang teenager gamit ang kanyang mga paa
  • Noong 2018, nasungkit niya ang world record matapos niyang makabuo nito sa loob lamang ng mahigit 16 segundo

Habang marami ang nahihirapang bumuo ng Rubik’s Cube sa pamamagitan ng mga kamay, may isang teenager na kayang gawin ito sa pamamagitan ng kanyang mga paa.

Image capture from YouTube | Daniel Rose-Levine

Pambihira ang kakayahang ito ni Daniel Rose-Levine. Sa loob lamang ng ilang segundo ay nagagawa niyang ayusin ang isang magulong Rubik’s Cube. Ang kakaibang gawain na ito ni Daniel ang naging dahilan kaya nakasungkit siya ng isang world record noong 2018.

“The fastest time to solve a Rubik’s Cube using feet is 16.96 sec and was achieved by Daniel Rose-Levine (USA) in Minneapolis, Minnesota, USA, on 11 March 2018. Daniel broke the record at the CubingUSA Heartland Championship 2018,” ayon sa Guinness World Records.

[Ang pinakamabilis na oras kung kailan nabuo ng isang tao ang Rubik’s Cube sa pamamagitan ng mga paa ay 16.90 segundo, at ito ay nagawa ni Daniel Rose-Levine ng Minneapolis, Minnesota, USA, noong Marso 2018. Nagawa ito ni Daniel sa CubingUSA Heartland Championship 2018.]

Ang naiibang laro

Ayon kay Daniel, sinimulan niya ang hobby na ito nang sumakit ang kanyang mga kamay sa kalalaro ng Rubik’s Cube.

“I actually started practicing with my feet more because my hands started to hurt from too much hand cubing,” aniya.[Nagsimula akong magpraktis sa pamamagitan ng mga paa ko noong sumakit ang mga kamay ko sa kalalaro nito.]

Image capture from YouTube | Daniel Rose-Levine

Samantala, aminado si Daniel na hindi naging madali ang pagbuo ng Rubik’s Cube sa pamamagitan ng kanyang paa noong nagsisimula pa lamang siya. Sa katunayan, inaabot daw siya ng humigit-kumulang sampung minuto noon.

Panoorin ang video na ito at bumilib sa kakayahang ito ni Daniel: