BSP maglalabas ng coin version ng bente pesos

  • P20 coin ilalabas ng BSP
  • Sa Disyembre ngayong taon o sa 1st quarter ng 2020 inaasahang lalabas ang P20 coin
  • Isinasapinal pa ng BSP ang disenyo ng P20 coin

Maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P20 coin para palitan ang bente pesos na perang papel, ayon sa isang mataas na opisyal ng central bank.

Imahe mula kay VanVan

Sa isang panayam ay ipinahayag ni BSP Senior Assistant Governor Dahlia Luna sa mga mamamahayag na aprubado na ng Monetary Board ng BSP ang paggawa ng P20 coin.

Inaasahang mailalabas ang bagong P20 coin sa Disyembre o kaya naman ay sa first quarter ng susunod na taon.

“Hopefully we can release it in the first quarter of next year, if not the end of this year, because the Monetary Board had already instructed us to make the design,” sabi ni Luna na siya ring head ng BSP Security Plant Complex na responaible sa paggawa ng Philippine banknotes at coins.

Ayon pa kay Luna, ang desisyon na gumawa ng P20 coin ay kasunod ng isinagawang pag-aaral ng University of the Philippines sa Philippine banknotes. Lumabas sa pag-aaral na ang P20 bill ang pinakamarumi sa lahat ng perang papel ng bansa dahil iyon ang pinakamadalas gamitin ng publiko.

Mas malaki ang magagastos sa paggawa ng P20 coin kumpara sa paggawa P20 banknote pero masusulit naman daw iyon dahil mas matagal ang buhay ng coins.

Imahe mula sa IACA

Sabi ni Luna, ang buhay ng P20 bill ay umaabot lang ng wala pang isang taon samantalang ang coin ay tumatagal ng mula sampung taon hanggang labinlimang taon.

Isinasapinal pa ang magiging disenyo ng P20 coin pero posibleng bilog din ang hugis niyon katuad ng iba pang coins sa ilalim ng New Generation Currency.

Imahe mula sa PicClick