Babae dinakip pagkatapos suotin ang pustiso na may pangalan pa ng may-ari

  • Isang babae ang dinakip matapos malaman ng pulisya na nakaw ang suot nitong pustiso
  • Sa unang paghaharap ng biktima at suspek ng pagnanakaw umano ng pustiso, hindi pa naniniwala ang pulis na ninakaw ng suspek ang pustiso
  • Ngunit napag-alaman din nila ang totoo nang makita ang nakasulat na pangalan mismo ng may-ari sa pustisong ginamit ng suspek
Imahe mula Freepik

Mahalaga ang pustiso para sa maraming tao na nagsusuot na nito. Dahil kung wala ito ay mahihirapan silang magsalita, ngumuya, at makakain nang wasto.

Ang mga taong nagsusuot ng pustiso ay kalimitang may mga edad na, o iyong mga taong tuluyan nang nawalan ng ngipin at hindi na tutubuan pa. Ang pustiso ay espesyal na ginawa mismo para magkasya sa bibig ng taong magsusuot nito.

Sa isang tao, ang pustiso ay parang sipilyo na hindi puwedeng ipahiram o ipagamit sa ibang tao. Tuwing gabi, tinatanggal ang pustiso at ibinababad sa basong may tubig upang mapanatiling malinis at maiwasan na ito ay malunok habang natutulog.

Dahil ang pustiso ay mahalagang bagay para sa isang tao, maaari din itong makuha o manakaw: tulad ng nangyari sa isang babae sa Amerika.

Ayon sa Facebook post ng Jennings County Sheriff’s Office kamakailan lang, isang hindi pinangalanan na babae ang nagreklamo sa pulisya dahil sa nawawala niyang pustiso. Ayon sa biktima, isang nagngangalang Joann Childers ang nagnakaw umano ng kaniyang pustiso.

Imahe mula sa Facebook

Noong umaga kung kailan mismo nagreklamo ang biktima, nakita umano ng probation officer ni Childers na mayroon umano itong suot na pustiso noong nagkaroon sila ng meeting. Hinala ng probation officer, ito ang ninakaw na pustiso.

The Probation Officer stated that Joann had worn teeth to her probation meeting that clearly were not hers and that she believed they may be the stolen teeth,” ayon sa Facebook post.

Pagkatapos ng dalawang araw, pinuntahan ng isang opisyal si Childers sa kaniyang tahanan. Dito ay nakita ng opisyal ang hinihinalang ninakaw na pustiso dahil kitang-kita pa umano ang pangalan ng may-ari.

Sa ngayon, naisauli na ang ninakaw na pustiso sa may-ari habang nahaharap naman sa kasong theft si Childers.

Marami namang mga netizens ang natawa sa naturang post dahil sa ginamit na mga hashtags ng mismong Facebook page tulad ng:

#thatsnasty #whytho #getyourown #caughtwithoutmyteethin #takingabiteoutofcrime #gumdecision #illhavejailsoup #shesnotthetoothfairy