Then and now: Ang batang si Palikpik sa Sineskwela

  • Naging bahagi ng kabataan ng mga ‘batang 90s’ ang Sineskwela
  • Isa sa mga hindi malilimutang karakter si Palikpik
  • Nagtapos man ng Nursing, patuloy pa ring ipinakikita ni Sheena Ramos ang talento niya sa pag-arte

Isa sa mga bumuo sa kabataan ng mga “batang 90s” ang educational children’s show na Sineskwela, at isa sa mga hindi makalilimutang karakter ay si Palikpik.

Image via Knowledge Channel | YouTube

Ang batang aktres na si Sheena Ramos ang gumanap noon bilang Palikpik sa Sineskwela; ang show na naglalayong gawing mas maalam sa agham ang mga bata na umere sa loob ng isang dekada; simula 1994 hanggang 2004.

Siya ay isang half-human, half-fish na mahilig mag-explore ng bodies of water at iba’t iba pang bagay na may kinalaman sa tubig.

Kumusta na kaya ang kasama noon ng mga bata habang inaaral ang iba’t ibang bagay na may kinalaman sa tubig?

Nagtapos sa University of Santo Tomas-College of Nursing si Sheena, o Sheena Rhia P. Ramos sa tunay na buhay, noong taong 2007.

Screen capture via Instagram

Gayunman, humigit-kumulang 15 taon simula noong ipinalabas ang final episode ng Sineskwela, hindi naman tuluyang iniwan ni Sheena ang pag-arte.

Paminsan-minsan ay lumalabas pa rin siya sa pelikula; kabilang na rito ang The Comeback (2015) at I America (2016).

Screen capture via Instagram

Ipinamamalas din niya ang kanyang talento sa pag-arte sa kanyang mga ginagampanang papel sa entablado.

Screen capture via Instagram

Sineskwela

Ang mga nasa likod ng Sineskwela ay ang ABS-CBN Foundation (na ngayon ay ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation na ang tawag), Science Education Institute of the Department of Science and Technology, at ang Department of Education, Culture and Sports (na ngayon ay Department of Education na).

Ang layunin nito noon ay hasain ang isip ng mga kabataang Pilipino tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa agham.

Panoorin ang isa sa mga episode ng Sineskwela kung saan naroon si Palikpik: