Mahigit 1,000 uri ng bills puwedeng bayaran sa Bayad Center app gamit ang mobile phone

  • Bagong Bayad Center payment app inilunsad
  • Maaaring magbayad ng mahigit 1,000 uri ng bills gamit ang bagong payment app
  • Ang Bayad Center App ay libreng mada-download sa App Store at Google Play Store

Mas magiging madali na para sa mga Pinoy ang pagbabayad ng mga bills sa pamamagitan ng bagong payment app gamit lang ang mobile phone.

Kamakailan lang ay inilunsad ng Bayad Center, kasama ang leading software solutions fim na MultiSys, ang new version ng Bayad Center app kung saan maaaring bayaran ang mahigit isanlibong (1,000) uri ng bills sa mas kombinyenteng paraan.

Sabi ni CIS Bayad Center Inc. president and chief executive Manny Tuason, ginawa nila ang bagong payment app upang mas maging accessible sa publiko ang digital financial services at ma-promote ang mas ligtas na cashless payments sa pamamagitan ng mobile phones.

Imahe mula sa Euro-Journal

Ani Tuason, hindi lang bills ang maaaring bayaran gamit ang Bayad Center app kundi maging ang mga government contributions, loan payments, professional license fees, at maging ang traffic violation ticket.

Maaari ding gamitin ang app para sa online shopping and ordering, mobile prepaid loading at iba pang e-commerce services.

Ayon naman  kay President and CEO ng Meralco at Bayad Center Board of Director, Atty. Ray C. Espinosa, bukod sa mga nabanggit na serbisyo, plano ring idagdag sa features ng Bayad Center app ang ride-hailing, professional e-services, food and parcel delivery, lodging and vehicle rental, at kahit travel and hotel booking. 

Imahe mula sa Euro-Journal

“Launching the new Bayad Center App amplifies the digital experience of anyone paying their Meralco bills and other utilities on time. More services will soon be added and we are excited for what’s to come,” aniya.

Ang Bayad Center app ay maaaring i-download nang libre mula sa App Store para sa iOS user at sa Google Play Store para sa Android users.