Kauna-unahang electric plane lilipad gamit ang malaking baterya

  • Kauna-unahang fully electric aircraft inilunsad
  • Alice ang tawag sa electric airplane na gawa ng Eviation
  • Sa 2022 ay lilipad na ang unang commercial flight ng Alice

Ang isa sa mga napakamagastos na bahagi ng pagpapalipad ng isang eroplano ay ang halaga ng gas nito. Bukod sa napakamahal na presyo ng jet fuel ay nakadadagdag sa polusyon ang usok na ibinubuga ng mga eroplanong gumagamit nito.

Kaugnay dito, isang Israeli startup ang nagbigay ng solusyon sa dalawang nabanggit na isyu sa pagpapalipad ng eroplano.

Noong nakaraang linggo ay ipinakilala ng Eviation ang kauna-unahang all-electric passenger airplane sa buong mundo.

Tinawag na Alice ang light electric aircraft.

Hindi katulad ng ibang “electric plane” na pangkaraniwang eroplano na kinabitan lang ng electric propulsion system, ang Alice ay idinisenyo mula simula bilang isang electric aircraft.

Imahe mula mula sa Eviation

“The fact that we’re building an electric plane from scratch instead of just refitting an existing plane with a battery means that we can design our aircraft to be more aerodynamically effective and efficient than current planes,” sabi ni ng Eviation CEO na si Omer Bar-Yohay.

Kasya sa Alice ang siyam na pasahero at dalawang crew. Pinalilipad ito gamit ang lithium-ion battery na tumitimbang ng 8,400 pounds na mahigit kalahati sa kabuuang takeoff weight na 14,000 ng aircraft.

“It’s a large battery with some plane painted on it,” pagbibiro ni Bar-Yohay sa mga nagtungo sa International Paris Air Show upang makita ang prototype ng Alice.

Imahe mula s Eviation

Kayang lumipad ng Alice ng hanggang 1,200 kilometers sa isang battery charge. May bilis itong 440 kilometers pe hour.

Sa international air show na ginanap ay isiniwalat ni Bar-Yohay na ang  kauna-unahang kumpanya na umorder ng hindi bababa sa sampung units ng Alice ay ang Cape Air. Nagkakahalaga ng $4 million bawat isa ang eroplano.

Inaasahan na ang unang commercial flight ng Alice ay sa taong 2022.

Source :

Eviation, Yahoo