FPJ, may kahawig na ex-PBB housemate?

  • Patuloy ang pagbuhay sa mga alaala ng Hari ng Pelikulang Pilipino
  • May mga nakapansin na waring may kahawig na ex-PBB housemate si Da King
  • Sa throwback photo ni FPJ, may nagsabi na medyo kamukha nito si Seth Fedelin

May kahawig bang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate ang tinaguriang “Hari ng Pelikulang Pilipino” na si Fernando Poe, Jr.?

Sa iba’t ibang social networking sites, patuloy ang pagbuhay sa alaala ng late actor na si Da King sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang mga throwback picture.

Imahe mula sa Views From The Pampang

At sa isa sa mga lumang larawan na ito, may mga nakapansin na parang may pagkakahawig si FPJ sa dating housemate na si Seth Fedelin.

Image capture from Facebook

Marahil, ito’y dahil sa ayos ng kanilang buhok at sa mga mata na waring nangungusap at para bang may sariling karakter.

Image via @imsethfedelin’s Instagram account

Ikaw? Sa tingin mo ba ay magkahawig nga ang dalawa?

Seth Fedelin, isang inspirasyon

Inspiring ang kuwento ng dating PBB housemate at ngayon ay aktor nang si Seth. Simple lamang ang buhay niya noon sa Cavite kasama ang kanyang pamilya. Ni hindi raw ito mahilig mag-audition noon para sa mga television shows.

“First time ko pong sumali sa mga ganoong audition. Sinalang na po kami as a group po, nag-acting. Tapos ‘yong una ko pong lines, natawa po ako ro’n,” natatawang kuwento niya.

“Parang nakatingin po sa akin lahat tapos naisip ko po na parang ano ‘tong ginagawa ko, tapos natawa po ako sa sarili ko,” pagpapatuloy niya. “Sabi ko, ‘pag ‘di ko po ginalingan, balewala po ‘yong pagpunta ko rito. Nandito na rin ako, e ‘di ibigay ko na lang po ‘yong best ko.”

Ngunit sa kabila ng pagiging masayahin, may krus na pinapasan noon si Seth.

“‘Yong buhay ko po ay sakto lang po, buo. Kaso lang po no’ng bandang 2014 po, si Papa po kakauwi lang galing Saudi and then nanood po siya ng game namin ng basketball tapos sa hindi inaasahang pangyayari, nadale po siya ng heat str0ke,” pagbabahagi niya.

Dahil dito, hindi na nakapag-abroad ang ama ni Seth at maging siya ay nagsimulang tumulong para maitaguyod ang pamilya. Hanggang sa sumali na siya sa Star Hunt at nakapasok sa PBB house.

Balikan ang audition video ni Seth: