Larawan ng old couple, pinakilig ang netizens

Naniniwala ka ba sa forever?

Sino ba naman ang hindi magnanais na makadama ng pagmamahal na pangmatagalan, sa hirap man o sa ginhawa, at sa relasyong hindi basta-basta kumukupas?

Magkahalong kilig at tuwa ang nadama ng mga netizens matapos makita ang larawan ng dalawang matanda sa loob ng isang sikat na fastfood chain.

Ibinahagi ng isang netizen na si Al Oliver Reyes Alonzo ang larawan sa kaniyang Facebook account noong May 21.

Imahe mula sa Facebook ni Al Oliver Reyes Alonzo

Makikita rito ang dalawang matanda na tila ba nasa kanilang date. Kapansin-pansin rin ang malagkit na tingin ni lolo na nakangiting nakikipagkuwentuhan sa kasamang matandang babae.

“Pagtanda natin, I’d still look at you like this,” ayon sa caption ni Oliver.

Dahil sa larawan, may mga nagpahayag ng kanilang hiling para sa panghabambuhay na pagmamahalan. Ang iba ay may special mention pa mula sa kanilang mga mahal sa buhay.

“I hope and pray na umabot tayo sa moment na ganito, Mahal. I’m sure lagi pa din kita patatawanin. Siyempre I still have that stare on you like the first time we’ve met. I loveyou forever,” sabi ni BJPS sa comment section matapos i-tag ang pangalan ng kaniyang partner.

“Many years after, I hope you’ll still look at me this way like [how] you used to look at me the first time. Full of love and sincerity. I love you, my life,” sabi naman ni CM matapos i-mention ang kaniyang kabiyak.

“I still picture us together like this D. Still captivated by your beauty and charm,” sabi ni MaDP sa comments.

Imahe mula kay Al Oliver Reyes Alonzo | Facebook

Sa kasalukuyan ay may 61,000 likes at 88,000 shares na ang larawan sa Facebook.

Marami nga siguro ang umaasang makita at makasama ang kanilang “the one” hanggang sa pagtanda. Isa ka ba sa kanila?

Source :

Facebook