Bato dela Rosa nangako ng kasipagan sa Senado

Nangako ang winning senatorial candidate na si Ronald “Bato” Dela Rosa na ang kasipagang ipinamalas niya noong nasa law enforcement siya ay dadalhin niya sa bulwagan ng Senado sa sandaling siya ay manumpa sa bagong tungkulin bilang isang senador.

Sa isang Facebook post, sinabi ni “Bato,” dating hepe ng Bureau of Corrections at ang unang Philippine National Police chief ng Duterte Administration, na ipagpapatuloy niya ang kanyang kasipagan sa Senado.

Sa naturang post ay ibinida pa ni Dela Rosa na hindi lang si Pangulong Rodrigo Duterte ang kumikilala sa husay ng pagganap niya sa tungkulin bilang isang alagad ng batas kundi maging si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at ang president ng Indonesia na si President Joko Widodo.

Imahe mula sa Facebook account ni Bato dela Rosa

“Hindi lang po si Presidente Duterte ang nag-award sa akin! Pati po si Presidente Noynoy Aquino binigyan din po ako ng award! I have been working hard. Nakailang presidente na po! Pati presidente ng Indonesia binigyan din ako ng award! I work for the Filipino people!” saad Dela Rosa

“And i will continue this in the Senate!” pangako pa niya.

Kalakip sa Facebook post niya ang larawan na nagpapakita na binigyan siya ni former president Noynoy Aquino ng award noong 2014 sa isang seremonya sa Camp Crame.

Imahe mula sa Facebook account ni Bato dela Rosa

Noong taong 2018, sa pamamagitan ng Indonesian National Police ay ginawaran ni Indonesian President Joko Widodo si Dela Rosa ng Bintang Bhayangkara Utama o Medal of Honor.

Aminado si Dela Rosa na wala pa siyang kaalaman hinggil sa responsibilidad ng isang senador kaya naman bukas siya na sumailalim sa mga seminars at trainings tungkol sa proseso ng paggawa ng mga batas.

Nagpahayag naman ng kahandaang tumulong at gumabay kay Dela Rosa ang mga beteranong senador na sina Koko Pimentel, JV Ejercito at Manny Pacquiao.

Source :

Facebook, MSN