Arjo: Sina Redford White at Babalu ang mga rason kaya nag-artista ako

Ang paghanga sa mga komedyanteng sina Redford White at Babalu raw ang dahilan kaya pinasok ng aktor na si Arjo Atayde ang showbiz.

Sa recent guesting niya sa Magandang Buhay, ibinahagi ni Arjo na isa sa mga pangarap niya ang maging kumedyante dahil sa pagkahilig niya sa comedy simula sa pagkabata.

“I love watching old school. So ang nakasanayan kong panuorin talaga na hindi alam ng tao is comedy,” aniya.

“Redford White at Babalu, sila ang rason kung bakit ako nag-artista, dahil sila ang gusto kong maka-trabaho. That’s one secret that no one knows,” dagdag pa niya.

Image from “Haba Baba Doo, Puti Puti Poo”

Maliban kina Redford at Babalu, marami pa siyang hinahangaang komedyante; kabilang na ang Comedy King na si Dolphy axt ang ninong niyang si Rene Requiestas.

Kaya kapag bina-b4sh daw siya sa social media, sinasabing kamukha niya si Redford, sa halip na ma-offend siya, ikinatutuwa niya pa raw ito.

“It’s an honor!” wika niya.

Saya sa piling ni Maine

Ito kaya ang dahilan kaya nagustuhan niya ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza, na isang likas na komedyante at kinaaliwan ng marami?

Halos buong pamilya ni Arjo raw ay napapansin kung gaano siya kasaya ngayon sa piling ng Dubsmash Queen, na kasalukuyan niyang dine-date.

“Good influence sa kanya si Maine. Kasi, ‘pag nag-uusap kami sa bahay, positive lahat si Arjo, e. Basta ibang Arjo na ngayon ang nakikita ko, and happy ako na happy ang anak ko,” sabi ng kanyang ina na si Sylvia Sanchez.

Nitong Marso ay nag-post si Arjo ng picture niya habang kayakap si Maine. Kalakip niya ang isang sweet birthday message para sa other half ng popular GMA love team na AlDub.

Narito ang video ng guesting ni Atayde sa Magandang Buhay:

Balikan ang tandem nina Redford at Babalu sa pamamagitan ng trailer na ito: