NCRPO chief Eleazar suportado ang Doble Plaka law

Nagpahayag ng kanyang suporta sa Republic Act no. 11235 o ang tinatawag ding “Doble Plaka law” ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Major General Guillermo Eleazar.

Sa ilalim ng nabanggit na batas ay inaatasan ang mga motorcycle riders na maglagay ng mas malaking plaka sa harap at likuran ng kanilang sasakyan na maaaring mabasa sa distansiyang 15 metro. Layunin ng bagong batas na mabawasan ang mga krim3n na ginagamitan ng motorsiklo.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Eleazar na bagama’t tinututulan ng mga motorcycle riders ang Doble Plaka law ay makatutulong iyon upang mapapaba ang bilang ng mga krim3n gamit ang motorsiklo.

Imahe mula as PNA

“We agree with the spirit, purpose and end objective of this law. We believe that this law will help decrease crim3s committed by motorcycle-riding crimin4ls …,” pahayag ng NCRPO chief.

Nilinaw ni Eleazar na hindi naman nilalahat ng batas na ang mga gumagamit ng motorsiklo ay gumagawa ng labag sa batas. Pinadadali lang umano nito ang sistema sa paghuli sa mga krimin4l dahil karamihan sa kanila ay hindi gumagamit ng plaka.

Paliwanag niya, posibleng hindi na kailanganin ang mga checkpoint upang legal nilang magampanan ang kanilang trabaho.

Imahe mula sa MotoPilipinas

“It will be easier now for the police to flag down and investigate those without plates, because of the new law. We do not even need a checkpoint now to perform our function legally,” aniya.

Hinimok niya ang mga motorcycle riders na bigyan ng pagkakataon ang bagong batas na aniya ay masusing pinag-aralan ng mga miyembro ng Kongreso.

Sa tulong ng bagong batas, naniniwala si Eleazar na mapapababa nila ang bilang ng mga paglabag sa batas sa Metro Manila na ginagamitan ng motorsiklo.

“Here in Metro Manila, the NCRPO firmly believes that with this law, we can bring down the crim3 volume that motorcycle-riding crimin4ls generate, to lower and lower levels over the months and years to come,” pagtatapos niya.