Libo-libo nagparehistro sa libreng Japanese language classes sa Cebu City Public Library

Hindi inaasahan ni Cebu City Mayor Tommy Osmeña na daragsa ang mga taong magpaparehistro sa alok ng Cebu City Public Library na free Japanese Language Classes.

Sa Facebook post niya noong March 26, sinabi ni Mayor Osmeña na hindi niya sukat-akalain na napakarami pala ng mga taong interesadong matuto ng Japanese language. Aniya, ang buong akala niya ay nasa 200 lang ang magpaparehistro sa libreng Japanese language class.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Tommy Osmeña

Dahil sa hindi inaasahang dami ng nagparehistro ay nagkaroon tuloy ng backlog sa naturang klase. Iisa lang kasi ang instructor noong una nilang inanunsiyo ang free training sa Nihonggo.

Upang ma-accommodate ang lahat ng mga nagparehistro ay tumulong na ang Japanese community sa Cebu City at nagboluntaryo bilang instructors. Dahil nadagdagan na ang mga tagapagturo ay maaari na silang makapagturo sa 500 tao kada linggo.

Sinabi pa ni Mayor Osmeña na kapag natapos na nila ang backlog ay muli silang magbubukas ng bagong schedule ng klase. Bukas din umano ang registration para sa lahat… kahit na hindi residente ng Cebu City.

Imahe mula sa Facebook page ng Cebu City Public Library

“I am happy to announce that we are now more than halfway through the backlog of people who are interested in the free Japanese class. Apologies for those who have had to wait, when I first made the post we only had one instructor and I expected maybe 200 people to be interested. More than 5,000 people showed up to register. To accommodate everyone, many members of the Japanese community in Cebu have generously volunteered their time as additional instructors. Because of them, we can now accommodate 500 people per week,” post ni Mayor Osmeña sa Facebook.

Dagdag pa nito, “As soon as the backlog is finished, we will announce new schedules and open registration for everyone else who’s interested. There will be an online course as well. This is a free service from what has now been recognized as the top performing library in the Philippines. As always, there is no need to be from Cebu City.”

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Tommy Osmeña

Ang free Japanese Language Classes ay unang inanunsiyo ng alkalde noong Enero 31, 2019. Nagsimula ang unang klase nito noong ika-2 ng Marso. Aabutin ng 180 hours ang language training na ginaganap tuwing Sabado at Linggo mula alas-singko ng hapon hanggang alas-nueve ng gabi sa Cebu City Public Library.

Imahe mula a Facebook page ng Cebu City Public Library

Ang nasabing public library na bukas 24/7 ay nagtuturo na rin ng libreng Korean Language. Isusunod na ring ituro ang iba pang lengguwahe gaya ng Spanish, Mandarin at German language.

Source :

Facebook, Sugbo