James Reid ng JaDine umamin na, “We live together”

Nagbunyi ang JaDine nation matapos ang makulay na pag-amin ni James Reid sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Nadine Lustre,

Nitong nakaraang Linggo, Marso 10, ay inamin na rin sa wakas ni Reid sa “Gandang Gabi Vice” na sila’y nagsasama na ni Lustre. Ito’y nagbibigay-tuldok na sa ilang taong ispekulasyon ng marami kaugnay sa napabalitang magkasama na ang dalawa sa isang bubong.

Kasalukuyang nagdiriwang ng kanilang ikatlong taon at isang buwan ang reel- at real-life sweethearts, ayon na rin sa masayang pagbati ng Jadine Nation sa kanilang Twitter account.

Saad naman ni Reid sa show ng GGV, “It doesn’t feel like three years, parang it’s been so fast.”  Ipinahayag din niya na ito ang kanyang pinakamahabang relasyon.

Tila nadulas lamang ngunit itinuloy na rin ni James ang kanyang sinabi hinggil sa usap-usapan na matagal na silang nagli-live in ng kasintahan.

Aniya, “We live together, so, like… Did you know that already? Okay, well, we live together.” Ngunit sa kabila ng kanilang set up, inamin rin niyang mayroon pa ring “kilig” sa kanilang relasyon, lalo pa’t busy sila sa kani-kanilang projects.

Image capture of video via JaDine nation’s Twitter account

“So yes, we live together, and sometimes kasi, araw araw kayo nagkikita, no space, sometimes you get too comfortable, but then there’s days when she’s working, super busy, parang ngayon, and when she gets home, it’s like, we really miss each other still, kahit isang araw lang,” nangingiting paglalahad ng 25-anyos na aktor.

Sa panig naman ni Vice ganda, sinabi nito na tanggap na naman ng mga tao na real couple sila at hindi lang magka-loveteam sa showbiz kaya’t ito’y mauunawaan umano ng kanilang mga tagahanga.

Image via Globe Telecom

Taong 2017 nang kumalat ang bulung-bulungan na nagsasama na ang dalawa ngunit tumanggi ang aktres, na ngayo’y 25-anyos na,  na magsalita kaugnay dito.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2016 matapos ang unang teleseryeng pinagbidahan nila na “On The Wings of Love.”

Tunay namang nagkaroon na ng wings ang kanilang pagmamahalan. Goodluck!