Asia’s Songbird, bilib na bilib sa husay ni Darren sa pag-awit

Mismong ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na ang nakapansin sa husay sa pag-awit ng singer-actor na si Darren Espanto.

Sa Twitter, pinuri ni Regine ang 17-year-old na mang-aawit sa napakahusay na performance nito sa duet nila sa ASAP.

“Darren, ang galing galing mo! Great job, sweetheart!” aniya.

Nagbiro pa ang singing diva, “Eh, kamusta naman ‘yong hindi man lang nangalahati ‘yong edad ni Darren sa edad ko?”

Bata pa lang ay kinakitaan na talaga ng talento ang tinaguriang Total Performer.

Sa edad na 10, nagwagi siya sa “Pinoy Singing Sensation” competition sa Edmonton. Sa parehong taon, lumabas siya sa telebisyon sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng “The Next Star”; kung saan siya ang pinakabatang finalist na nakasama sa Top 6.

Sa edad naman na 12, nakipagsapalaran si Darren sa singing contest ng ABS-CBN na The Voice Kids (season 1). Dito ay tinanghal siya na first runner-up.

Duet with Regine

Sa social media, marami ang nagpahayag ng paghanga sa young performer.

“Halata ang kaba kay Darren, uneasy siya sa presence ng Queen but still he managed to deliver what needs to be delivered! Kudos my Darren! You’re so great!” ani EN.

“Grabe, Darren, kinikilabutan ako sa ‘yo. At your young age, ganiyan ka na mag-perform,” wika ni RV.

“Wow, Darren Espanto, the Total Performer ka talaga. Ang galing. Napaka-blessed mo talaga, talented; sayaw, rap, acting, at kantahan. Kasi naman matalino, mabait, magalang, masipag, maka-Diyos, at humble. Bonus na ‘yong mayaman, matangkad, maputi, matangos ang ilong, fit with abs ang katawan, at guwapo. Napaka-charming like a prince. Ikaw na talaga, Darren Espanto,” kumento ni JA.

Hiling ng ilan, sana ay magkasama ang dalawa sa isang concert.

Panoorin ang video ng duet performance nina Regine at Darren:

Napakahusay, hindi ba?