Mga lumang Jollibee Kiddie Meal toy, nagdala ng nostalgia

Naging bahagi ng kabataan ng napakaraming batang Pilipino ang mga free toy sa Jollibee Kiddie Meal. Ito marahil ang dahilan kung bakit naging viral ang mga larawan ng lumang Jollibee toys na ito noong naipost sa isang Facebook group kamakailan.

Sa group na Memories of Old Manila ,ibinahagi ng isang member ang mga larawan ng mga nasabing laruan.

“Hi, kami nga pala ‘yong iniyakan n’yo at tinuturo n’yo tuwing nasa Jollibee kayo nung bata,” aniya.

At dahil nag-viral na ang kanyang post, napagtanto niya na, “Sobrang bilis pala talaga ng panahon parang kelan lang pinapasalubungan ako ng Papa ko no’ng nabubuhay pa s’ya ng mga Kiddie Meal na ‘yan or every time na sasahod s’ya dinadala n’ya ko sa Jollibee.”

“Grabe, Jollibee, you make our childhood memories precious and treasured forever in our hearts,” wika niya.

[Grabe, Jollibee, ginawa mong kayamanan ang mga alaala ng kabataan namin.]

“In the happiest of our childhood memories, our parents were happy, too,” dagdag pa niya.

[Sa pinakamasasayang tagpo ng ating kabataan, masaya rin ang ating mga magulang.]

Marami ang natuwa sa nag-post ng mga larawan na animo’y ibinalik daw sila sa panahon. May mga nagsabi rin na mayroon din sila ng mga in-upload na pictures; ang iba ay naiwala na raw ang mga laruan nila habang ang iba naman ay naitabi pa rin ang mga free toys nila.

Image via Memories of Old Manila’s Facebook goup

As of posting, nakakuha na ito ng mahigit 327 comments, 19,000 shares, at halos 20,000 reactions at patuloy pang tumataas. Bahagi pala ng kabataan ng maraming netizens ang  mga nakatutuwang laruan at kung nasinop mo ang mga iyun, aba, pang-collector’s items na. Puwede na ring ipamana sa susunod na henerasyon ng kabataan.

Nostalgia talaga! Ikaw, naaalala mo pa ba ang paborito mong Jollibee Kiddie Meal toy noong bata ka pa?

Source :

Facebook