Video: Ang nakatutuwang eksena sa pagkikita ng dalawang lalaki na parang pinagbiyak na bunga

  • Dalawang lalaki sa Malaysia ang kapwa nagulat nang hindi sinasadyang magkita sila sa isang kasalan
  • Magkamukhang-magkamukha ang dalawa na animo pinagbiyak na bunga
  • Nakunan ng video ang nakatutuwang pagkikita ng magka-look-alike

Ano kaya ang mararamdaman mo kung makita mo ang isang tao na kamukhang-kamukha mo?

Imahe mula sa Facebook account ni Amir Zulfadhli Zulkifly

Kung ano ang pakiramdam ng ganoon ay siguradong alam na ngayon ng dalawang lalaki sa Malaysia na nagkita sa isang kasalan at kapwa nagulat sa sobrang pagkakahawig nila kahit hindi sila magkamag-anak o magkakilala man lang.

Mukhang kambal ang dalawa at nagkataon pang halos pareho sila ng suot na damit na kulay pula, maong na pantalon at eyeglasses na kulay itim ang rim.

Nakunan sa isang video na viral na ngayon ang nakatutuwang sandali nang makita ni Azly Yusof, 29 anyos, ang kanyang doppelganger o ka-look-alike sa wedding ceremony ng kanyang kababata sa Selangor sa Malaysia noong Linggo, ika-8 ng Setyembre.

Habang nakapila siya para magpakuha ng litrato sa bagong kasal, napansin ng kaibigan ni Azly na si Amir Zulfadhli Zulkifly na ang isang lalaki na nagpapakuha ng litrato sa mag-asawa ay kamukhang-kamukha niya.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Amir at agad na inilabas ang cellphone niya para kunan ng video ang dalawang lalaki na parang pinagbiyak na bunga.

Imahe mula sa Facebook account ni Amir Zulfadhli Zulkifly

“Azly and I are the groom’s childhood friends and the other man was his friend from work,” kuwento ni Amir.

“This was the first time we had ever met and it was really funny. It was just a coincidence that Azly and his doppelganger were both wearing red shirts. They look like twins, but they’re not related in any way,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Amir magse-set sila ng meeting para muling magkita ang magkamukha at sa pagkakataong iyon ay kukunan niya ng litrato ang dalawa na magkatabi.

I-click ang larawan sa ibaba para mapanood ang video:

Imahe mula sa Facebook account ni Amir Zulfadhli Zulkifly