Standard parking rates sa mga establisimyento na isinusulong sa Senado, umuusad na

  • Standard parking rate sa lahat ng business establishments isinusulong ni Senator Win Gatchalian
  • Sa October 8 ay magkakaroon ng hearing sa Senado para sa kanyang panukala
  • Sinabi ni Sen. Gatchalian na consumer-friendly ang kanyang panukalang batas

Ang isang panukalang batas na ang layunin ay bigyan ng proteksyon ang mga customers at motorista laban sa pagpapataw ng mga establishment owners ng hindi makatwiran at napakamahal na parking fee ay nagsimula nang umusad sa Senado.

Screenshot mulas a video ng GMA

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na ang Senate Bill No. 745 o Parking Fees Regulation Act, na siya ang nag-akda, ay isang “timely and straightforward measure” na magtatakda ng standard parking rates sa iba’t ibang establishments gaya ng malls, hospitals, paaralan at iba pa para sa lahat ng uri ng sasakyan; gagawa ng parking fee regulation; at magtatakda ng parusa sa mga violators.

Naka-schedule sa darating na ika-8 ng Oktubre ang susunod na hearing ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship para sa panukala ni Senator Gatchalian.

Para sa senador, consumer-friendly ang panukalang batas niya dahil gagawin nitong affordable para sa mga middle class customers ang parking fee na ipapataw ng mga malls at katulad na establisimyento.

Ipinunto ni Senator Gatchalian na walang magawa ang mga customers na sinisingil ng sobrang mahal na parking fee kahit na kumita na sa kanila ang establishments mula sa biniling produkto o serbisyo.

Imahe mula sa Philippine Primer

“These unfair, anti-consumer policies have gone for long enough. It is time for Congress to employ its plenary power to regulate a problem that is simple, yet vital to millions of Filipinos in the emerging middle class,” paliwanag ng mambabatas.

Iminungkahi niya ang standard parking fee na P40 kada sasakyan hanggang otso oras at additional P10 for every succeeding hour. Para sa overnight parking, ang customer ay dapat singilin ng one-time fee na P100 per vehicle.

Sinasabi rin sa panukala na hindi na dapat singilin ng parking fee ang customer na bumili ng goods and services na nagkakahalaga ng at least P1,000 basta hindi lampas sa tatlong oras na naka-park ang sasakyan.

Dahil sa naniningil ng bayad sa parking, dapat sagot ng establishment owner ang seguridad ng mga naka-park na sasakyan.

Imahe mula sa StopSignsandMore

“Business establishments shall maintain and provide security in the parking spaces of their establishments. When parking fees are collected by business establishments from their customers for the use of parking spaces, these establishments shall be responsible for the safety of its patrons and shall be prohibited from invoking the waiver of liability in case of loss of property or damage to the customer’s motor vehicle,” ani Senator Gatchalian.