Mga doktor sa Bilibid Hospital gigisahin sa senado ukol sa hospital-passes-for-sale scheme

  • Mga doktor sa ospital sa Bilibid pinaiimbestigahan hinggil sa hospital passes for sale scheme
  • Isiniwalat ni Sen. Ping Lacson na ibinebenta ang hospital passes sa halagang hanggang P2 million
  • Inatasan ng DOJ ang NBI na imbestigahan na rin ang alegasyon ukol sa hospital passes

Nais ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na ipatawag ang mga doktor sa New Bilibid Prison Hospital upang magbigay-linaw sa ginagawang imbestigasyon sa mga iregularidad na nagaganap sa loob ng national penitentiary.

Imahe mula kay Sen. Ping Lacson

Sinabi ni Senator Lacson  na hihilingin niya kay Senator Richard Gordon, na siyang nangunguna sa ginagawang imbestigasyon, na ipatawag ang mga Bilibid doctors. Ito ay sa gitna ng mga alegasyon na ang mga inmates ay nagbabayad ng hanggang dalawang milyong piso para sa hospital passes upang mailipat sa pagamutan sa loob ng Bilibid.

Sabi pa ng senador, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang opisina na ang bayad sa hospital passes ay mula P200,000 hanggang P2,000,000. Ito ay bukod pa raw sa P30,000  per day na ibinabayad para sa “board and lodging.”

There are reports natanggap namin sa opisina, nag-range from P200,000 to even P2 million para ma-confine or ma-admit sa hospital. And meron pang board and lodging amounting to P30,000 a day. Hindi mangyayari ‘yan kung walang magse-certify na doctor,” ani Lacson.

Nauna nang isiniwalat ni Senator Christopher “Bong” Go na sinabi sa kanya ng isang impormante ang tungkol sa mga inmates na nagbabayad para mailipat sa NBP Hospital kahit wala namang sakit.

Imahe mula sa Pinayads

Kakuntsaba nila ang ospital. Oo, kung wala naman silang sakit tapos iko-confine sila?” sambit ni Senator Bong Go.

“That is why it is called hospital pass for sale because even they are not sick, they should not be confined in a hospital, but they are still there. So, they should be reviewed and investigated,” dagdag pa ni Senator Go.

Samantala, inatasan naman ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang hospital passes for sale scheme.

“If evidence warrants, the NBI is directed to file appropriate charges against persons found responsible,” ayon sa DOJ.

Ang alegasyon hinggil sa hospital passes for sale ay lumitaw sa gitna ng imbestigasyong ginagawa tungkol sa anomalyang nangyayari sa kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance policy na nagpapaikli ng prison term ng mga inmates na nagpakita ng good conduct habang nakapiit.