Jollibee, natulala sa ganda ni Kapamilya star Liza Soberano?

  • Waring gulat na gulat ang Jollibee mascot na kasama ni Kapamilya star Liza Soberano sa litrato
  • Biro ng manager ni Liza na si Ogie Diaz, natulala yata ito dahil hindi makapaniwala na kapamilya na nila si Liza
  • Sabi naman ng fans, baka sa ganda ni Liza ito namangha

Itinuturing na isa sa pinakamagagandang babae sa loob at labas ng bansa ang Kapamilya actress na si Liza Soberano — kaya ba pati si Jollibee ay natulala nang makasama siya sa personal?

Image via Liza Soberano | Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ng talent manager ni Liza na si Ogie Diaz ang larawan ng aktres kasama ang Jollibee mascot, na para bang gulat na gulat habang nakatingin sa kamera. Biro ng manager ni Ogie, natulala yata ito dahil hindi makapaniwala na bahagi na ng pamilya nila si Liza.

“Natulala si @jollibee. ‘Di makapaniwalang kapamilya na nila si @lizasoberano,” saad niya sa caption.

Sabi naman ng fans, baka sa kagandahan ni Liza ito namangha. Kahit kasi naka-wacky pose pa ito habang hawak ang bagong klase ng fries sa nasabing fast food restaurant ay napakaganda pa rin niya. Sila man daw si Jollibee ay tiyak na matutulala rin sila.

Ano’t ano pa man, masaya ang mga fans ni Liza sa bago na namang endorsement ng aktres.

“Yeeey! Sir @ogie_diaz, kaka-message ko pa lang sa ‘yo last night na more projects sa inyo ni Ganda @lizasoberano tapos ayan na agad. Magaling talaga si Lord. Congratulations sa inyo,” ani @nephiamour.

“Yehey! Sa Jollibee, mas bibida ang saya kasi nariyan si Miss Liza,” wika ni @angellira0918.

Hiling naman ng iba, sana ay maging bahagi na rin ng pamilyang “beeda” ang LizQuen other half na si Enrique Gil.

Image via Ogie Diaz | Instagram
Source :

Instagram