Dalawampu’t limang pasaway na MTPB parking attendant na sobra-sobrang maningil, sinibak

  • 25 MTPB parking attendants tinanggal sa puwesto dahil sa overcharging ng parking fee
  • Mula P100 hanggang P150 sa unang tatlong oras ang sinisingil ng mga pasaway na parking attendants sa mga motorista
  • Itinanggi ng MTPB chief na nagtaas na sila ng parking fee

Dalawampu’t limang parking attendants ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTBP) ang tinanggal sa puwesto dahil sa overcharging sa parking fee na sinisingil sa mga motoristang pumaparada sa mga city hall-designated street parking slots sa Maynila.

Imahe mula sa MTPB

Bukod pa sa sobrang paniningil ay kabilang na rin sa mga inirereklamo laban sa mga pasaway na parking attendants ang hindi pagsusuot ng uniporme at identification card.

Ang ginawang pagsibak sa kanila ay kasunod ng mga reklamo ng mga motorista na ipinaabot sa kaalaman ni Mayor Isko Moreno sa pamamagitan ng social media. Base sa mga reklamo, ang mga sinibak na parking attendants ay naniningil ng higit pa sa itinakdang halaga na makikita sa parking ticket.

Mula one hundred pesos hanggang one hundred fifty pesos para sa unang tatlong oras ng parking ang sinisingil sa mga motorsita ng mga gahamang parking attendants.

Batay sa naka-imprenta sa MTPB parking ticket, dapat ay P20 lang ang bayad sa unang tatlong oras ng pagparada at karagdagang P15 kada oras na sobra sa first 3 hours para sa mga light vehicles gaya ng kotse, pribadong jeepney, tricycle at motorsiklo.

Imahe mula sa MTPB

Para naman sa mga medium vehicles gaya ng van at delivery truck ay P30 sa first three hours at P20 sa bawat susunod na oras. Samantalang para sa mga heavy vehicles gaya ng mga 10-wheeler trucks ay P60 kada unang tatlong oras at P40 sa bawat oras na sosobra.

Sa naunang pahayag, nilinaw ni MTPB chief Dennis Viaje na walang katotohanan na itinaas na nila ang parking fee sa P100.

Imahe mula sa MTPB

Salungat sa kumalat na dokumento sa mga lansangan, sinabi  ni Viaje na hindi nagtaas ng parking fee ang MTPB.

“The said document is fake and MTPB has nothing to do with it,” aniya.

Source :

Facebook