Singil sa paggamit ng ATM nakatakdang tumaas mula P15 hanggang P30 per withdrawal

  • ATM fees nakatakdang tumaas ng hanggang P30 kada interbank withdrawal transaction
  • BSP muling pinapayagan ang mga bangko na magtaaas ng singil sa ATM transactions
  • House of Representatives iimbestigahan ang napipintong pagtaas ng singil nito

Magsasagawa ng imbestigasyon ang House of Representatives dahil sa napipintong pagtaas ng singil sa paggamit ng automated teller machines (ATM) na inaasahang makaaapekto sa mahigit 58 million ATM card holders.

Imahe mula sa Worldbank

“We are worried that the forthcoming increases in ATM charges might harm consumers — the nation’s more than 58 million ATM cardholders,” sabi ni Makati Representative Luis Campos, Jr.

“Even more vulnerable are our estimated 4.1 million minimum wage earners. Many of them receive and withdraw their salaries twice a month through their ATM cards at the machine nearest them,” dagdag pa niya.

Inihain ni Rep. Campos ang House Resolution No. 210 para paimbestigahan sa Committee on Banks and Financial Intermediaries ng Kamara ang nakaambang pagtaas ng ATM transaction fees.

Ang ginawang aksyon ng mambabatas ay kasunod ng pag-aalis ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa moratorium sa dagdag-singil sa ATM fees.

Ang pag-aalis ng nasabing moratorium ay batay sa  Memorandum No. M-2019-020 na pirmado ni BSP Deputy Governor Chuchi G. Fonacier na may petsang ika-19 ng Hulyo 2019.

Imahe mula sa BSP

Ang suspensyon sa adjustment ng ATM fees ay ginawa ng BSP noong September 27, 2013. Pero ngayon, makalipas ang anim na taon, ay pinapayagan na ulit ang mga bangko na magtaas ng ATM fees.

Sinabi ni Rep. Campos na posibleng itaas ng mga bangko ang kanilang ATM fees ng 50% o higit pa.

Aniya, sa kasalukuyan ay mula P10 hanggang P15 ang singil ng mga bangko kada withdrawal at posibleng itaas ito sa P20 hanggang P30 kada transaksyon. Ang balance inquiry transaction naman ay itataaas sa P2 mula sa dating P1 kada transaksyon.

Imahe mula sa Money Max

“These charges could jump to as much as P15 to P30 per single interbank withdrawal, possibly even higher, with the removal of the moratorium,” babala ni Campos.

Nilinaw naman ni Fonacier na hindi naman nangangahulugan na sa paglabas ng memorandum sa pag-aalis ng moratorium sa adjustment ng ATM fees ay awtomatikong magkakaroon ng pagtaaas sa singil.

“Banks still need to seek approval from the BSP if they want to increase their ATM fees. And banks should justify their request for an increase. The BSP will then evaluate the bank’s request,” anang BSP Deputy Governor.

Source :

BSP, Philstar, ABS-CBN