Pamunuan ng MMDA, kampi nga ba kay Doris Bigornia kaysa kay MMDA spokesperson Celine Pialago?

  • Pamunuan ng MMDA hindi pumanig sa kanilang spokesperson na si Celine Pialago sa reklamo nito laban kay Doris Bigornia
  • Si Doris Bigornia ay isang ABS-CBN field reporter na naka-aasign sa MMDA beat
  • Taliwas sa gusto ni Pialago na mapalitan si Bigornia, nais ng pamunuan ng MMDA na manatili siya bilang reporter sa ahensya

Mainit ngayon ang balita sa diumano ay “paglaglag” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bosses sa spokesperson ng ahensya na si Celine Pialago tungkol sa isyung namamagitan sa kanila ng ABS-CBN field reporter na si Doris Bigornia.

Imahe mula sa Politiko

Matatandaang inireklamo ni Pialago sa ABS-CBN si Bigornia dahil sa paninigaw, pananakit at paninirang-puri. Hiniling pa niya sa Kapamilya Network na alisin si Bigornia bilang reporter na nagko-cover ng MMDA beat.

Ang hiling ni Pialago na mapalitan ng ibang reporter si Bigornia ay tila direktang kinontra ni MMDA General Manager (GM) Jose Arturo “Jojo” Garcia, Jr.

Sa isang sulat na ipinadala ni GM Jojo Garcia kay Ms. Bigornia, sinabi niya na mas gugustuhin nila na manatili siya bilang reporter na naka-assign sa ahensya. Pinuri din niya ang reporter sa dedikasyon nito sa pagre-report sa mga ginagawang serbisyo ng MMDA sa Metro Manila.

“Some scathing reporting aside, your persistence and dedication in covering news concerning traffic and flooding made the public more aware of the MMDA’s efforts in serving the greater Metro Manila. We will be very pleased if you will be retained as ABS-CBN’s assigned reporter for the agency,” sabi ni Garcia sa sulat.

Imahe mula sa Twitter

Sinabi rin niya sa sulat na walang kinalaman ang MMDA sa pagpapadala ni Pialago ng sulat sa ABS-CBN bagama’t ginamit ang official letterhead ng ahensya.

“We would like to inform you that Asec. Pialago’s letter is personal in nature. It does not reflect or represent the MMDA as an institution despite the said letter being printed on the official letterhead. We did not sanction the same and was done at her personal behest,” ayon pa rin sa sulat.

Nakasaad din sa sulat ni Garcia na, tulad ng hiling ni Doris Bigornia ay magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon tungkol sa reklamo ni Pialago laban sa reporter.

Narito ang buong sulat ni MMDA GM Garcia, na pirmado rin ni MMDA Chairman Danilo Lim:

Imahe mula sa Get Real Philippines
Source :

Get Real Philippines, Politiko, Abante