Mga manggagawa tutol sa nagbabadyang pagtaas ng ATM fees

  • Mga manggagawa tutol sa nakaambang pagtaas ng ATM fees
  • Tinawag na “highway robbery” ang napipintong pagtaas ng singil sa ATM transactions
  • Siniguro ng BSP na hindi nito papayagan ang sobrang mataas na singil

Mariing tinututulan ng mga manggagawa ang nakaambang pagtaas sa singil sa bawat transaksyon sa automated teller machines (ATM) ng mga bangko.

Imahe mula sa Jip Portal

Pinangangambahang aabot hanggang sa P30 ang magiging singil kada withdrawal transaction matapos alisin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang six-year moratorium sa adjustment ng ATM fees at muling payagan ang mga bangko na magtaas ng singil.

Ayon kay Renato Magtubo, chairman ng Partido Manggagawa, na umaapela ang mga manggagawa sa BSP na gamitin ang regulatory power nito upang muling itigil ang ATM fee hike.

Sabi niya, suportado ng mga manggagawa ang isasagawang pag-iimbestiga ng kamara para protektahan ang interes ng mga ATM card holders na karamihan ay mga karaniwang manggagawa.

Sa kasalukuyan ay nasa P10 hanggang P15 ang singil sa bawat withdrawal transaction at pinangangambahang aabot iyon sa P20 hanggang P30 kada transaksyon.

“Charging P15 per withdrawal is already burdensome. Doubling the fee would be onerous on workers receiving their wages through payroll ATM accounts,” paliwanag ni Magtubo.

Imahe mula sa World Bank

Tinawag pa niyang “highway robbery” ang planong pagtaas ng ATM fees.

“P15 is almost 3% of the daily minimum wage in NCR (National Capital Region). Worse it is around 4% of the daily of a minimum wage earner in the Cavite economic zone. Doubling the ATM fee would mean banks taking 6 to 8% of the minimum wage of workers per withdrawal. This is highway r0bbery,” ani Magtubo.

Samantala, siniguro ng BSP na hindi nito hahayaan ang sobrang pagtaas ng ATM fees.

“We’re approaching on a per-bank basis. Kapag sobrang outlier, the BSP will not really approve. Outlier na ‘yung ?30, maybe a little over lang sa ?15,” paniniguro ni BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier.

Imahe mula sa UNTV