Lalaking naka-helmet habang nangangabayo, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng maraming social media users ang lalaking nagsuot ng helmet habang nangangabayo
  • Nakunan ito ng video habang binabaybay ang isang kalsada
  • Ini-upload ng isang Facebook user ang nasabing video

Kung may mga motorcycle rider na hindi nagsusuot ng helmet sa kabila ng mga polisiya tungkol dito, kabaligtaran naman ang isang lalaki na nagsuot nito habang nangangabayo.

Image capture via Facebook

Sa video na ini-upload ng Chi Balisi Grg sa Facebook, makikita ang isang lalaki na masayang nangangabayo sa isa sa mga kalsada sa Tuguegarao City. Ngunit kung ang karaniwang suot ng mga nangangabayo ay sombrero para maging proteksyon na rin sa init ng araw, helmet ang kanyang suot, katulad na rin ng iba pang motorista na bumabaybay sa kahabaan ng daan.

Napa-#ILoveTuguegarao pa ang nag-post noong gabi ng Linggo, August 11. Kasalukuyan pa kasi noong may “No Helmet Policy” sa lugar; na inalis lamang dahil sa banta sa seguridad nitong Lunes, August 12. Ngunit maaari rin naman na alam lang ng lalaking nangangabayo kung anong klaseng proteksyon ang naibibigay ng pagsusuot ng helmet, lalo kung babaybayin mo ang daang puno ng iba’t ibang sasakyan.

Maraming netizen ang nag-share ng video. May mga naaliw dahil hindi ito pangkaraniwang tanawin o eksena. Mayroon din namang mga bumibilib sa lalaki dahil sa paggawa nito ng nararapat.

Narito ang video na ini-upload ni Chi sa kanyang FB account:

I-click ang imahe para mapanood ang video.
Source :

Facebook, ABS-CBN