Kakaibang isda na may dalawang bunganga nabinggit sa lawa

  • Kakatwang isda nabingwit sa isang lawa
  • Ang isda ay may dalawang bunganga
  • Nabingwit ang isda sa Lake Champlain sa New York

Nag-viral sa social media ang isang litrato ng kakaibang isda na mayroong dalawang bunganga na nabingwit sa Lake Champlain sa New York sa Amerika isang linggo na ang nakalilipas.

Imahe mula sa Knotty Boys Fishing

Isang babaeng New Yorker na nakilalang si Debby Geddes ang nakabingwit sa kakaibang isda. Sabi niya, kasama niyang nagtungo sa Lake Champlain ang mister niya para sa isang recreational fishing o tinatawag rin na catch and release fishing kung saan ang mga nabibingwit na isda ay pinakakawalan ulit.

“When this particular fish bit, it felt like I had a nice fish on. I actually commented, ‘I hope it’s as big as it feels!’ When we got it in the boat I couldn’t believe what I was seeing! Two mouths! And yet this fish was healthy and thriving! Pretty amazing!” ani Geddes.

Pinakawalan niya ulit sa lawa ang isdang may dalawang bunganga pero kinunan niya muna iyon ng litrato.

“We quickly took a few pictures and released the fish,” aniya.

Isang kaibigan ni Geddes, si Adam Facteau, ang nag-post ng picture ng isda sa social media noong August 19. May halos pitong libong shares na ang post.

Ibang isda na may 2 bunganga nahuli na rin noon/Imahe mula kay Paul Spooner

Maraming haka-haka ang lumabas mula sa mga nakakita ng picture dahil sa kakatwang isda. May ilang nagsabi na polusyon sa lawa ang dahilan kaya ganoon ang hitsura ng isda. Naniniwala naman si Geddes na isang naghilom na sugat ang ikalawang “bunganga” niyon.

“I just can’t believe all the attention this has received. The public’s responses/theories are quite interesting, to say the least. I personally believe it was caused by a previous injury, most likely from another angler,” ani Geddes.

May iba naman na nagbiro at sinabing ang isdang may dalawang bunganga ay anak ni “Champy,” ang maalamat na “m0nster” ng Lake Champlain.

Source :

Fox News, Inquirer