‘Hello, Love, Goodbye’ gumawa ng history bilang 1st Pinoy movie sa Jeddah

  • Gumawa ng history ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” sa Jeddah, Saudi
  • Sa unang pagkakataon ay nagpalabas ng isang Pinoy movie sa nasabing lugar
  • Ang “Hello, Love, Goodbye” ay pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo

Bukod sa pagiging blockbuster film nito sa bansa, isa pang achievement ng “Hello, Love, Goodbye” ang paggawa nito ng history sa Jeddah, Saudi Arabia bilang unang Pinoy movie na ipinalabas sa nasabing lugar.

Image via The Filipino Channel | Facebook

Sa post ng The Filipino Channel (TFC), masayang ibinahagi nito na ang Star Cinema film na “Hello, Love, Goodbye” — ang pelikulang nagtatampok sa unang pagpapares kina Alden Richards (ng AlDub) at Kathryn Bernardo (ng KathNiel) — ay ang First Filipino Movie na mapapanood sa Jeddah, Saudi Arabia.

“#HelloLoveGoodbye will make history for Philippine cinema as the first ever Filipino movie to screen in Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia! Para sa inyo po ito, mga Kabayan namin sa Jeddah!” saad ng TFC.

“Tapos na ang paghihintay ninyo! Sa wakas, isang pelikulang Pilipino ang mapapanood na natin! Kaya naman yayain na ang lahat ng Pinoy na kakilala mo sabay-sabay po tayong manood ng blockbuster movie na ito starring Kathryn Bernardo at Alden Richards!” dagdag pa ng statement sa page.

Labis labis ang galak ng dalawang bumida sa pelikulang ito, pati na ang buong cast at crew. Makasaysayan sa industriya na may sariling atin nang pelikula ang ipalalabas doon.

Image capture via Facebook

Ang kuwento ng “Hello, Love, Goodbye” ay tungkol sa pagmamahalan nina Ethan (Alden) at Joy (Kathryn) na sumugal pa rin sa pag-ibig kahit batid nila na kakailanganin din nilang maghiwalay sa kalaunan. Magiging sapat kaya ang pagmamahal para hindi na sila maghiwalay? Ito ang dapat abangan!

Narito ang trailer ng blockbuster film na ngayon ay nasa ikalawang linggo na sa mga sinehan:

Source :

Facebook, YouTube