Vlog ng isang banyaga tungkol sa Pilipinas hinangaan ng mga Pinoy netizens

  • Vlog ng isang Syrian tungkol sa magandang mukha ng Pilipinas nag-viral
  • Pawang positibong komento ang ibinigay ng mga Pinoy netizens sa video
  • Sa loob lang ng 5 araw ay mahigit 1 million na ang views ng video

“Pilipinas hindi na 3rd World country. Bansang payaman. World class underpass” ang title ng video ng isang vlogger na nakilalang si Basel Manadil, isang Syrian na may pusong Pinoy.

Imahe mula sa Instagram account ni The Hungry Syrian Wanderer

Ang video na in-upload ni Basel sa YouTube channel niyang “The Hungry Syrian Wanderer” ay may mahigit isang milyong views na. Itinampok niya sa kanyang vlog ang isang mukha ng Pilipinas na maaaring hindi alam ng mga taong hindi pa nakapupunta sa bansa.

“Most people who haven’t been in the Philippines would have this impression that Philippines is a poor country, traffic and slums. On this vlog I will show you the other side of the Philippines. Not only we are no.1 on beaches and islands but we are also leaning towards becoming one of the greatest nations. Mabuhay!” caption ni Basel sa YouTube video niya na ginawa noong July 25, 2019.

Hindi nakaligtas sa mga matatalas na mata ng mga Pinoy netizens ang paggamit ni Basel ng mga salitang “we” at “our” sa video habang inilalarawan ang Pilipinas na para bang isa siyang Pilipino.

“The way he says, “Our..our country..” sabi ng isang natizen na may handle na Ryl Ryl.

“Thank You.  you are a true Filipino at heart. More success & may God bless you always. BTW new subscriber here,” sabi naman ni Franz Zkie.

Imahe mula sa Instagram account ni The Hungry Syrian Wanderer

Ipinakita ni Basel sa video ang Makati Central Business District. Ang mga naglalakihang gusali doon, mga puno at halaman sa buong paligid at ang mga world class underpass sa kahabaan ng Ayala Avenue na tinawag pa niyang “pangmayaman style,” partikular na ang V.A. Rufino Underpass at Ayala-Apartment Ridge Pedestrian Underpass.

Matapos ipakita ang kagandahan ng financial district ng Makati City ay ipinakita rin si Basel o Basilio, ang Pilipinong pangalan na pinili niya para sa sarili, ang ganda ng Bonifacio Global City sa Taguig.

Panoorin ang vlog ni Basel: