Throwback: Ang adorable Little Miss Philippines 2000 4th runner-up na si Kim Domingo

  • Bago pa naging isang popular actress, ipinakita na ni Kim Domingo ang kanyang ganda at talento sa TV
  • Taong 2000, sumali sa Little Miss Philippines ang batang si Kim at nanalo bilang 4th-runner-up
  • Bukod dito, ilang beses siyang lumabas bilang extra sa iba’t ibang palabas hanggang mag-high school siya

Isa na ngayong sikat na aktres si Kapuso star Kim Domingo pero alam mo ba na bago pa niya narating ang kinaroroonan niya ngayon ay naipakita na niya ang kanyang ganda at talento bilang isang nangangarap na paslit?

Image via GMA Artist Center | Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ng GMA Artist Center ang larawan ng pagsali ni Kim sa sikat na beauty contest para sa mga bata–ang Little Miss Philippines–noong taong 2000, kung saan siya ay itinanghal bilang fourth-runner-up. Makikita sa larawan na ang candidate #4 na si Kim ay naging representative ng National Capital Region noong siya ay sumali.

“Dati kasi, noong bata ako nagte-taping na ako. Nag-Little Miss Philippines ako, fourth Runner-up, year 2000,” saad ng tinaguriang Asia’s Fantasy sa isang naunang panayam. Gayunman, hindi raw siya nanalo sa nasabing patimpalak.

Kuwento niya, isang batang nagmula sa Bicol Region ang itinanghal na Little Miss Philippines noong taon na iyon.

“Tisay from Bicol ang nanalo noong batch ko sa Eat Bulaga,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Samantala, bukod daw sa pagsali sa beauty pageant na pambata, ilang beses daw umekstra sa mga palabas si Kim.

Sa katunayan, nakasama niya pa raw ang dating child star na si Isabelle de Leon. Kuwento ni Isabelle, “Kasama ko na si Kim dati sa Munting Anghel na show ng GMA. Mga six years old pa lang kami noon. Hindi ko rin alam, actually, until sinabi niya sa akin na nagkasama na [kami] before. Nagulat din ako na nagkasama na pala kami way back. Small world.”

Samantala, abangan siya bilang si Katya sa pinakabagong series ng GMA #HanggangSaDuloNgBuhayKo!