‘Talk To Each Other Discount’: Restaurant, may pa-pizza sa customers na ‘di gagamit ng cellphone

  • May reward ang The Curry Pizza Company sa mga handang itigil ang paggamit ng phone habang kumakain
  • Ito ay nag-ooffer ng ‘Talk To Each Other Discount’ kung saan maaaring makakuha ng free large pizza
  • Puwede ring i-donate sa mga nangangailangan ang pizza na makukuhang premyo sa hindi paggamit ng phone

Sa panahong moderno na at sa ilang taps lang ay marami ka nang magagawa, handa ka bang humiwalay sa iyong cellphone pansamantala para makakuha ng libreng large pizza?

Image via The Curry Pizza Company | Facebook

Well, isang restaurant sa California ang nag-o-offer ngayon ng “Talk To Each Other Discount”.

Sa paglalayong gawing kapares ng masasarap nilang pagkain ang kuwentuhan, sinimulan ng The Curry Pizza Company ang pagbibigay ng reward sa mga customer na papayag na mailagay sa locker ang mga cellphone nila habang kumakain. Ayon dito, ang tanging gusto lamang nila ay mas mag-usap pa ang mga customer nila, sa halip na sa mobile phone nakatuon ang atensyon ng mga ito.

“Our goal is to get families/friends to stop using their phones while eating and talk to each other and communicate more. If you like, you may receive a free large (per group) on your next visit,” ayon sa announcement nito.

[Ang layunin namin ay pigilan ang mga magkakamag-anak at magkakaibigan na gumamit ng phone habang kumakain at mas makipag-usap pa sa isa’t isa. Kung gusto ninyo, maaari kayong makatanggap ng libreng large pizza sa susunod na punta.]

Dapat daw ay within 24 hours ang sunod na visit para ma-avail ang libreng pizza. Maaari ring ibahagi ang inyong free sa mga nangangailangan dahil namimigay ito ng pizza sa mga homeless.

“We donate pizzas to the homeless in downtown Fresno every month,” wika nito. [Namimigay kami ng pizzas sa mga homeless sa downtown Fresno buwan,” pagpapatuloy niya.

Image via The Curry Pizza Company | Facebook

Ayos ito ano? Pero kakayaniin mo bang hindi gumamit ng iyong phone habang kumakain kayo sa pizzahouse na ganito?

Source :

Facebook