Private sector employees nais ni Sen. Bong Revilla na tumanggap ng SSS pension sa edad 55

  • Bong Revilla nais amyendahan ang SSS Act
  • Ipinanukala ni Sen. Bong Revilla na sa edad na 55 ay dapat nang makatanggap ng SSS pension ang mga private sector employees
  • Sa kasalukuyan, kailangang edad 60 ang retirees para tumanggap ng pensyon mula sa SSS

Nagsumite ang nagbabalik na senador na si Ramon “Bong” Revilla, Jr. na maamyendahan ang Social Security (SSS) Act upang nang sa gayon ay makatanggap na ng buwanang pensyon ang mga empleyado mula sa private sector sa edad na 55.

Imahe mula kay Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.

Ito ay kung sakaling nakapaghulog na ng 120 contributions ang empleyado bago siya magretiro.

Sa kasalukuyan, ang mga SSS benificiaries ay maghihintay muna na tumuntong sa edad na 60 bago sila makatanggap ng monthly pension.

Nais ni Senator Revilla na magkaroon ng mas mahabang panahon ang mga retirees na ma-enjoy ang kanilang pagreretiro.

“Sa pagretiro, makikinabang na rin sila sa benepisyo sa ilalim ng batas, at magkakaroon sila ng higit pang panahon na i-enjoy ang kanilang retirement. Magbubukas din ito ng pagkakataon para sa bagong pag-empleyo dahil mas maaga nilang mababakante ang kanilang mga trabaho,” ani Sen. Bong Revilla.

Bukod sa pag-amyenda sa SSS Act, isinusulong din ng senador mula sa Cavite ang tatlong panukalang-batas para sa mga nakatatanda – ang Centenarians Act of 2019, gawing 56 ang edad ng senior citizen mula sa 60, at ang pagpapatayo ng mga Elderly Care and Nursing Complex sa buong bansa.

Imahe mula sa Facebook account ni Ramon Bong Revilla, Jr.

Sa ilalim ng Centenarians Act, ang P100,000 incentive para sa mga Pilipinong aabot sa edad 100 ay ibibigay sa tatlong bahagi: ang unang P25,000 ay ibibigay pagdating ng edad 80; P25,000 ulit pagdating ng edad 90 at ang huling P50,000 ay sa pagsapit sa edad 100.