Chalk allowance ng mga guro isinusulong na itaas sa P10,000 mula sa P3,500 kada taon

  • Ralph Recto gustong itaas sa P10,000 ang chalk allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan
  • Chalk allowance ang tawag sa cash na ibinibigay sa mga guro para pambili ng chalk, pens, erasers at iba pang school supplies
  • Sa ngayon ay P3,500 kada taon ang chalk allowance ng mga guro

Nagsumite ng panukalang batas si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na itaas ang taunang “chalk allowance” ng mga public school teachers sa P10,000.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Ang kasalukuyang rate ng tinatawag na “Teaching Supplies Allowance” ay nasa P3,500 lang kada taon at hindi umano iyon sapat para makabili ng isang “shopping cart ng classroom supplies” na tatagal ng hanggang isang taon.

Chalk allowance ang popular na katawagan sa cash na ibinibigay sa mga guro sa pagsisimula ng school year upang magamit na pambili ng chalk, pens, pambura, papel at iba pang school supplies.

Lumalabas na P16 a day lang ang allowance na nabanggit.

“This translates into a measly P16 a day. This is not enough in this age of internet when USBs, in addition to the traditional paper and writing materials, are now part of the teacher’s tool box,” ani Senator Recto.

Ang mga guro ay nangangailangan umano mga supplies hindi lang para sa pagtuturo kundi maging sa mga ga-bundok na reports na kailangan nilang i-submit.

“This translates into a measly P16 a day. This is not enough in this age of internet when USBs, in addition to the traditional paper and writing materials, are now part of the teacher’s tool box,” anang senador.

Imahe mula sa DepEd Tambayan PH

Inihalintulad ni Senator Recto ang chalk allowance sa bala ng baril ng mga kawal.

Aniya, “Chalk allowance’ is to teachers as what bullets are to soldiers. And those waging the war against illiteracy need more of this amm0. Because at present, all of them dip into their meager salaries to buy the supplies they need for teaching.”

Sa kasalukuyan, ang budget ng Department of Education para sa chalk allowance ngayong school year ay P2.6 billion. Kung itataas ang allowance sa P10,000 ay mangangailangan ang ahensya ng karagdagang P5.4 billion.

Imahe mula sa DepEd