Catriona Gray buong pagmamalaking iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa panalo ni Pacquiao

  • Catriona Gray kinagiliwan ng Pinoy netizens sa pagwagayway niya ng bandila ng Pilipinas
  • Itinaas ni Catriona ang ating watawat bago magsimula at pagkatapos manalo sa laban si Pacquiao kontra Thurman
  • Viral sa social media ang video ng pagwagayway ni Catriona sa bandila ng Pilipinas

Kinagiliwan ng mga Pinoy netizens si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa pagwagayway niya ng buong pagmamalaki sa watawat ng Pilipinas sa laban ni Manny Pacquiao kay Keith Thurman sa Las Vegas noong Sabado (Linggo sa Pilipinas), ika-20 ng Hulyo.

Iclick ang imahe upang mapanood ang video | Twitter

Si Catriona ay nagtungo sa Las Vegas para suportahan si Pacquiao. Siya ang tumayong flag bearer ng kampo ng Pambansang Kamao.

Suot ang matingkad na kulay pink na gown, unang nakita ang pagwagayway ni Catriona sa ating bandila noong inawit ang national anthem ng bansa na “Lupang Hinirang” bago magsimula ang bakbakan sa boxing ring.

Muli niyang itinaas ang watawat ng Pilipinas nang inanunsyo ang pagkapanalo ni Pacquaio kay Thurman.

Una rito, nag-share si Catriona ng isang larawan sa kanyang Instagram account kung saan makikitang hawak niya ang ating watawat kasama si Manny Pacquiao.

“The legend inspiring the dreams of a generation. Laban @mannypacquiao !! Laban Pilipinas!!!!,” ang caption ni Catriona sa Instagram post niya.

Ikinabit ng mga netizens ang pagiging flag bearer ni Catriona sa Pacquiao camp sa “Raise Your Flag” na siyang slogan ni Catriona noong magsimula ang kanyang reign bilang Miss Universe.

Imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray

Matatandaan na noong coronation night ng Miss Universe Pageant 2018 ay tinanong siya ng host na si Steve Harvey kung ano ang itatawag niya sa isang kanta tungkol sa naging karanasan niya sa Miss Universe competition. Ang sagot niya ay “Raise your Flag.”

“I would name the song ‘Raise Your Flag’ because I stand here not as one, but as a 104 million Filipinos,” ang tugon ni Catriona sa tanong noon ni Steve Harvey.

Imahe mula sa Law Breaking News

Ang video ng pagwagayway ni Catriona sa watawat ng Pilipinas ay mayroon nang mahigit 432 thousand views at mahigit 50 thousand likes.

Source :

Twitter, Philstar