Umisplit pa! Gurong palaban sa pagsayaw sa unang araw ng klase kinaaaliwan

  • Ginagawa lahat ng guro ang kanilang makakaya para magbigay inspirasyon sa mga mag-aaral
  • Trending ngayon ang isang guro dahil sa ganado nitong pagsasayaw kasama ang isang mag-aaral
  • At umisplit pa si Ma’am!
Image capture of video by Shella Marie Mangahas via Facebook

Ang mga guro ay hindi lamang sa larangan ng akademiko nakatutok sapagkat halos nga lahat ay ginagawa nila para lamang sa kanilang mga mag-aaral.

Mayroong mga bidyo ng mga guro na nagpapatawa sa klase, gumagamit ng sari-saring istratehiya para makuha ang atensyon at magbigay ng inspirasyon sa kanilang mga estudyante.

Katulad na lamang ni Ma’am Sheryll Villamor Ceasico na sa unang araw pa lamang ng klase ay sinimulan na niyang magpakitang gilas – hindi lamang sa paaralan kundi sa mundo na rin ng social media.

Usap-usapan ngayon ang bidyo sa Facebook kung saan makikita ang isang mag-aaral na sumasayaw sa saliw ng isang mabilisang kanta; ito si Denise.

Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ay biglang sumulpot ang isang guro, si Ma’am Sheryll. Sumayaw din ito at talagang humataw.

Ang bidyo ay ini-upload ni Ma’am Shella Marie Mangahas na isa ring guro, ang nanay ni Denise. Aniya, kinukunan niya ng bidyo ang kanyang anak sa unang araw ng klase sa mga pagkakataong iyon nang biglang dumating ang kapwa niya guro.

“Good morning first day of classes. Pampa-good vibes. Biglang dumating si Ma’am sa gitna ng sayaw ni baby. #KMJS na yan,” aniya.

Image capture of video by Shella Marie Mangahas via Facebook

Makikita sa bidyo ang pagsasayaw ng guro na may halo pang split at mga pose.

Nagwakas ang bidyo sa pagbabagsak ni Ma’am Sheryll sa isang supot na may lamang mga papel.

As of posting, ito ay mayroon nang higit 15,000 views, 450 reaksyon at 325 shares.

“Hindi nagpatalo si teacher ah!” komento ng isa.

“Great dancers,” [Mahuhusay sumayaw] sabi ng isang netizen.

I-CLICK ANG IMAHE SA ITAAS PARA MAPANOOD ANG BIDYO |

Mahusay ka, Ma’am!

Source :

Facebook, FB