Tone-toneladang mangga pinakyaw ng mga buyers sa unang 3 oras ng Mango Festival ng DA

Tagumpay ang first day ng Mango Festival na isinagawa ng Department of Agriculture (DA) bilang tugon sa panawagan ng mga mango growers na mayroong 2 million kilos oversupply.

Ayon sa Facebook post ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol, sa unang tatlong oras pa lang ng first day ng Mango Festival ay 15 metric tons ng mangga ang pinakyaw ng mga mamimili bago pa man dumating ang “salesman” at promoter ng event na si Robin Padilla.

“Fifteen metric tons of fresh mangoes coming from all over Luzon, including a few hundred kilos from Mindanao, were snapped up by consumers at the opening day of the Metro Mango Marketing Program launched by the Department of Agriculture in several areas in Metro Manila today,” ani Piñol.

Imahe mula sa Facebook page ni Sec. Manny Piñol

Anang DA secretary, halos wala na  raw maibenta ang “salesman” na si Padilla dahil  kaunti na lang ang natirang mangga nang dumating siya sa venue.

“The buying spree was so intense that by the time Agriculture’s new poster boy, movie actor Robin Padilla, arrived to act as the salesman and promoter of the mangoes, there was barely enough mango for him to sell in the DA Central Office in Quezon City, “ ayon pa sa kalihim ng agrikultura.

Ang aktor ay nagboluntaryo ng kanyang serbisyo upang tulungan ang DA na i-promote ang mga produkto ng local mango growers.

Imahe mula sa Facebook page ni Sec. Manny Piñol

Ang 2 million kilos oversupply ng mangga, na resulta raw ng long dry spell dahil sa El Niño phenomenon, ay nanganganib na mabulok na lang kung hindi iyon maibebenta, ayon kay Sec. Piñol.

Ang bentahan ng mga mangga na nagkakahalaga ng P20 hanggang P50 per kilo, depende sa quality, ay nagpapatuloy sa mga sumusunod na venue:

  • Department of Agriculture Central Office, Elliptical Road, Diliman, Quezon City
  • Bureau of Plant and Industry, Malate, Manila
  • Muntinlupa City Hall
  • Parañaque City Hall

Maaari ring magtungo ang mga nais bumili sa ilang sangay ng Waltermart:

  • Waltermart North Edsa, Quezon City (9am-9pm)
  • Waltermart Makati (9am to 9pm)
  • Waltermart Pasay (9am to 9pm)
Source :

Facebook