Nararapat maging president for life si Duterte kapag nasolusyunan ang trapiko, flight delays – Sen. Lacson

Para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson karapat-dapat na maging president for life si Pangulong Rodrigo Duterte kung matutupad niya ang dalawang pangako na binitiwan kamakailan lang.

Batay sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Ping Lacson na nararapat  na maging panghabangbuhay na presidente ng bansa si Pangulong Duterte kung mabibigyang-solusyon ang problema sa trapiko sa EDSA at ang congestion na nararanasan sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Nauna nang naiulat dito sa Virtual Pinoy na nagbitiw ng pangako ang Pangulo na ang biyahe sa pagitan ng Cubao sa Quezon City at Makati City ay magiging limang minuto na lang sa loob ng anim na buwan o sa Disyembre ngayong taon.

Imahe mula sa Primer

Sinabi rin ng Pangulo na bibigyan niya ng solusyon sa loob ng isang buwan ang nararanasang congestion sa NAIA na nagreresulta sa pagkakaantala ng mga flights.

Kung matutupad umano ng Pangulo ang kanyang dalawang pangako ay maituturing itong isang “superhuman” at nararapat na maging president for life, anang senador.

“If PRRD delivers on just two promises he recently made: (1) to cut travel time from Cubao to Makati to 5 minutes within 6 months and; (2) to eliminate flight delays in NAIA within one month, for being superhuman, he deserves to be president for life,” pahayag ni Senator Lacson sa Twitter.

Imahe mula sa Twitter

Samantala, sinabi naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na masarap pakinggan ang mga ipinangako ni Pangulong Duterte, pero wala pa raw siyang ideya kung paano iyon maisasakatuparan.

“Sounds good but I have no idea how yet,” ani Sotto sa isang text message para sa mga mamamahayag.