Magkasintahang nagkakilala dahil sa Mobile Legends, ikakasal na

Minsan, ang tunay na pag-ibig ay natatagpuan sa pinakaimposibleng lugar at panahon.

Sa Facebook, ibinahagi ng user na si Lou Dela Serna kung paano niya natagpuan ang kanyang one true love dahil sa popular game na Mobile Legends.

“Nag-ML. Nagka-love life. Ikakasal. I said ‘yes’!” masayang pagbabahagi ni Lou sa caption ng mga larawan nila ng kanyang kasintahang si Renz Reyes.

Sa lengthy caption ng post, ibinahagi ni Lou na sa kabila ng posibilidad na mabigo sa relasyon na nagsimula dahil sa Mobile Legends, pinili nilang sumugal sa pag-ibig.

“Sa dami ng narinig at na-witness kong failed relationship na naganap sa ML. Ito yung masasabi kong naging proof na hindi lahat gano’n. Sino ba naman mag-e-expect na sa kaka-ML ko ay do’n ko rin makikilala ‘yong forever ko?” aniya.

“Hindi maganda ang simula ng relasyon namin pero…na-gtake kami ng risk para rito at ngayon, masasabi ko talaga na worth it lahat ng sinuko namin para magkasama. It made me realize that what I have right now is much better than what I have before,” pagpapatuloy niya.

Image via Lou Dela Cerna | Facebook

Ani Lou, naniniwala siya na si Renz ang lalaking noon pa man ay hinihiling niya na sa Panginoon.

“I’ve been waiting patiently. Now, He gave me you. I love you so much!” pahayag niya.

Katulad ni Lou, labis ding nagpapasalamat si Renz sa pag-ibig na natagpuan niya dahil sa pagkahilig niya sa nasabing mobile game.

“Sabi nila, wala raw ako mapapala sa paglalaro ko–pero pinalad ako,” wika niya.

Pero paano nga ba napagtagumpayan ng dalawang taong nagkakilala sa paglalaro ng Mobile Legends ang hamon ng pag-ibig?

Narito ang pagpapatuloy ng salaysay ni Lou:

Source :

Facebook, FB