Fil-Chinese businessmen aakuin ang repair ng bangkang sinalpok ng Chinese ship

Isang grupo ng mga negosyanteng Tsinoy o Filipino-Chinese ang nag-alok ng tulong sa 22 Pilipinong mangingisda na lulan ng bangkang F/B Gem-Ver 1 na sinalpok at  napalubog ng isang Chinese ship sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Sa isang forum na ginanap sa Quezon City, ipinahayag si Henry Lim Bon Liong, pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.  na ang kanilang grupo ay nag-aalok ng “sincere assistance and support” sa pagpapaayos ng nasirang fishing boat ng mga Pilipinong mangingisda.

“The FFCCCII wishes to offer our sincere assistance and support to our fellow countrymen, the 22 fishermen, in the immediate rehabilitation of their damaged fishing boat, so that they can resume their livelihood. We wish to express our concern for their welfare and our solidarity,” sabi ng presidente ng grupo.

Sabi niya, habang inaalam pa ng mga pamahalaan ng Pilipinas at China ang tunay na pangyayari sa naganap na insidente, isang bagay ang sigurado na sila – ang katotohanang nawalan ng bangka at kabuhayan ang mga biktimang mangingisda.

Imahe mula sa Twitter page ng Tribune

“While the Philippine and China governments are now still ascertaining what really happened, so far the real truth that we are already sure of is that our 22 Filipino brothers had lost their fishing vessel and their means of livelihood,” anang lider ng FFCCCII.

We are not going to dwell sino ang may kasalanan dito. Basta ang concern natin dito ang kabuhayan ng mangingisda natin ngayon,” dagdag pa niya.

Ayon sa Philstar, nanawagan din ang grupo na sana raw ay maging mahinahon ang lahat ng sektor ng ating lipunan hinggil sa naganap na banggaan ng dalawang fishing vessels.

Imahe mula sa PCG

Ilan pang grupo ng mga negosyante ang nangako ng tulong para sa mga mangingisda.

Ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, International Chamber of Commerce Philippines at ang Silk Road International Chamber of Commerce ay nangako ng P1 milyong pisong donasyon.

Ang kalahati ng halaga ay gagamitin sa pagpapagawa ng nasirang bangka at ang kalahati ay para gagamitin para sa pangkabuhayan ng mga biktima.

Ang insidente ng banggaan ay naganap noong June 9, 2019.  Matapos banggain ang bangka ay inabandona ng crew ng Chinese ship na Yuemaobinyu 42212  ang mga Pilipinong mangingisda na nagpalutang-lutang sa karagatan hanggang mailigtas sila ng dumaang Vietnamese boat.