Ex-Makati City Mayor Elenita Binay abswelto sa P72-M graft case

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na isinampa laban sa dating Makati City mayor na si Elenita Binay.

Ang graft case na inihain ng Office of the Ombudsman noong 2006  laban kay Binay ay kaugnay ng diumano ay maanomalyang pagbili ng mga office furniture na ginawa ng city government na nagkakahalaga ng P72 million noong siya pa ang nanunungkulan bilang alkalde ng lungsod.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ibinasura ng Fifth Division ng anti-graft court ang kaso laban kay Elenita Binay dahil wala silang nakitang sapat na batayan na ang dating alkalde ay “guilty beyond reasonable doubt” sa bintang na overpriced ang mga office furniture na binili noong 1999.

Screenshot mula sa video ng Eagle News

Sinabi ng anti-graft court na sa sampung testigo na iprinisinta ng prosekyusyon, wala ni isa sa kanila ang may “first-hand knowledge” o “direct participation” sa diumano ay “bid-rigging.”

Ang pag-dismiss sa kaso ay kasunod din ng pag-amin ng prosekyusyon na wala silang hawak na direktang ebidensya na magpapatunay na maanomalya ang transaksyon.

Kinatigan din ng Sandiganbayan ang “demurrer to evidence” na inihain ng kampo ng Binay matriarch.

Public Domain image

“The Demurrer to Evidence filed by the accused Elenita S. Binay is GRANTED. Accordingly, the instant case against the accused Elenita S. Binay is ordered DISMISSED,” ayon sa resolusyon ng Sandiganbayan.

Ang resolusyon na may 31 pahina ay isinulat ng chairperson Associate Justice Rafael Lagos, na may pagsang-ayn mula kina Associate Justices Maria Theresa Mendoza-Arcega at Maryann Corpus-Mañalac.

Ang nasabing graft case ay ikaapat na kaso na ni Elenita Binay na na-dismiss ng Sandiganbayan.